All posts by admin

Ang Kuwento ni Eva na Lubog sa Utang (Part 1)

Ang ibabahagi kong kuwento sa inyo mula ngayon hanggang sa mga susunod na tatlong artikulo ay batay sa tunay na sitwasyon. Sa unang tingin ay parang hindi totoo pero inilahad ito sa akin kaya naniniwala akong nangyayari ito sa totoong buhay at nararanasan ng karamihan. Bahagya kong papalitan ang ilang detalye gaya ng uri ng negosyo, lokasyon at pangalan para protektahan ang katauhan ng sumulat. Subalit magiging batayan pa rin ng mga artikulo ang kanyang ipinadalang liham kung saan niya inilahad ang kanyang kuwento. Alam kong makikilala ng mga mambabasa ang kani-kanilang sarili sa ilang bahagi o sa kabuuan ng mga pangyayari. Natitiyak kong lahat tayo ay may mga matututunang aral mula sa kanyang karanasan. Ang gagawin kong paglalahad ay ayon na rin sa kung paano niya ito ikinuwento sa aming pagpapalitan ng email.

Si Eva ay mula sa lungsod ng isang lalawigan. May sarili siyang bahay at lupa at aktibo sa retail distribution business. Maganda ang kanyang kita sa pinasok na negosyo pero ang problema niya ay ang kanyang pagkalubog sa utang. Nagsimula ito nang may mga lumapit sa kanyang tao para humiram ng pera. Dahil nga may hawak naman siyang pera at kumikita ang negosyo, naengganyo si Eva na magpautang sa interes na 5% kada buwan. Naisip niyang tama lamang ang ipinapatong niyang interes sa pautang dahil may mga iba na nagpapahiram nang “five-six.” Naging maganda naman ang takbo ng kanyang pagpapautang dahil nagbabayad sa takdang panahon ang mga humiram. Dahil dito, dinagdagan ni Eva ang pondong ipinapautang. Sa kalaunan, masyado nang malaki ang kanyang naipahiram at hindi na makabayad ang mga nangutang sa kanya.

Sa halip na tanggapin na lamang ang kanyang pagkalugi, naisip ni Eva na mas mainam kung irerekomenda niya sa ibang nagpapautang ang kanyang mga kliyente para makabayad ang mga ito sa kanya. Pumayag naman ang panibagong nagpapautang pero mas mataas kaysa 5% interes ang ipinatong nito at ginawa pang guarantor si Eva.

Bago natin ipagpatuloy ang kuwento ni Eva, pag-aralan natin ang mga naging desisyon ni Eva. Kung maganda ang takbo ng negosyo niya, bakit siya nalubog sa utang? Ang pagkakaroon ng magandang kita sa negosyo ay karaniwang nagreresulta ng mabilisan at tiyak na pagbabayad ng mga pagkakautang. Habang lumalaki ang negosyo, natural lamang na kakailanganin pa ring manghiram ng pondo. Kailangan lang tiyakin na mas malaki ang kinikita ng negosyo kumpara sa interes na binabayaran sa utang.

Mainam ang pagpapahiram ng pera kung nakapagbabayad ang mga pinautang. Sana pinag-aralan muna ni Eva bago siya nagpautang sa unang pagkakataon. Pero posibleng kalaunan ay naging “greedy” at ninais niya ng malakihang kita kaya siya nagpahiram nang malaki na hindi muna inaalam kung may kakayahang magbayad ang mga kliyente. Dapat pag-ingatan ang ganitong pagnanais ng sobrang malakihang kita.

Malaking pagkakamali ang naging pasiya ni Eva na irekomenda sa ibang nagpapautang ang kanyang mga kliyente na alam naman niyang walang kakayahang magbayad. Mas mabigat ang pagpayag niyang maging guarantor ng mga ito. Kabisado ng nagpapautang ang pagpapatakbo ng kanyang negosyo kaya mas mataas ang itinakda niyang interes at ginawa nitong guarantor si Eva ng mga inirekomenda niya.

Ipagpapatuloy ko sa susunod na artikulo ang paglalahad sa kung ano ang nangyari sa mga pinautang ni Eva at ang kinahinatnan ng kanilang hiniram na pera sa bagong nagpautang.

Addict sa Shopping

Ang pamimili ba o shopping ay isang addiction para sa kababaihan?

Sa aking palagay, masyadong sexist o pabor sa kabilang kasarian ang pananaw na ito dahil kahit kalalakihan ay maaaring maging addict sa pamimili.  Natural lang na ang kababaihan ang mas malimit mamili sa supermarket o kailangang magpunta sa mall para sa ibang bagay kayat sila tuloy ang napagbibintangan.

Sang-ayon na rin sa kaalaman ng aking maybahay tungkol sa kababaihan, may mga babae na:

–           nasa sistema “genes” na mula sa kapanganakan ang pamimili at paggastos

–           natututo sa kanilang nakikita sa TV o babasahin o ibang babae

–           nababagot kaya ginagamit ang shopping bilang outlet

–           sadyang mahilig maghanap ng magagandang mabibili.at “sale”

Mapapansin na may mga bata rin na sa murang edad pa lamang ay mahilig na sa mga magagandang damit, sapatos at iba pang mamahaling bagay. Kadalasan, pipiliin ng mga batang ito hanggang sa kanilang paglaki ang madalsa na pamimili dahil sa ganitong paraan nila natutugunan ang kanilang mga interes o “curiosity”.

Kung mahilig ding mag-shopping ang kanilang mga magulang, mas lalo pa nilang kahihiligan ang ganitong “inborn trait.” Kung walang hilig ang mga magulang sa pamimili, mas malaki ang tsansang hindi makikilala ng mga bata ang gawaing ito.

May mga babae kasi na sa sobrang pagkabagot sa bahay ay nagiging paboritong pampalipas oras ang window-shopping sa mga mall lalo pa ngayong panahon ng tag-init. Katwiran nila, nag-iikot sila sa mga pamilihan para maghanap ng mga mura, bargain sale, atbp.

Hindi ako isang psychiatrist kaya hindi ko alam kung ano ang mga siyentipikong paliwanag sa pagiging “shopaholic” ng isang tao. Pero gagamitin ko ang aking sentido komon (common sense) sa pagbibigay-payo.

Para sa mga babaing gustong itigil ang kanilang pagkaadik sa shopping, pinakamainam na simula ang itigil na ang paggamit ng credit card at magdala lamang ng sapat na halagang cash sa araw-araw. Sa ganitong paraan, hindi matutuksong bumili kahit pa napakalakas ng temptasyon. Ikalawa, kailangang tanggapin ng isang tao sa kanyang sarili na isa na siyang “shopaholic”. Ikatlo, mahalagang maging seryoso ang pagnanais na itigil ito at hangga’t maaari ay magkaroon ng target na panahon. Higit sa lahat, dapat pag-usapan ito ng buong pamilya.

Dapat maging bahagi ang asawa at mga anak na proseso ng pagbabadyet. Mahalagang linawin kung magkano ang kinikita ng pamilya para malaman na hindi kakayaning bumili ng mga bagay na hindi kailangan. Sa ganitong paraan, maiisip ng bawat miyembro na malalagay sa alanganin ang pag-iipon ng pamilya kung hindi susundin ang budget. Gamitin ang pormulang ito: Income minus Savings equals Expenses (Kita bawasan ng Ipon ay Gastusin).  Sana ay may “Vacation Fund” rin na kung saan ang mga extrang naipon ay ilalagay para lahat ay magtutulungan na bawasan ang gastos.

Pagsikapang magdagdag ng kaalaman tungkol sa usaping pinansiyal. Dumalo sa mga seminars ng Colayco Foundation.  Pumunta sa aming website http://www.colaycofoundation1.com/calendar.

Mas Maingat sa Pamumuhunan ang Kababaihan

Talaga bang mas konserbatibo ang kababaihan kaysa mga lalaki pagdating sa pamumuhunan?

Ayon sa mga pag-aaral, takot ang mga babae na mamuhunan. Subalit ito ay sa pangkalahatang usapan lamang dahil hindi maitatanggi na may mga babae na handang humarap sa malalaki at mabibigat na panganib. Katunayan, ipinakikita sa mga survey na mas maraming babae ang nabibiktima ng mga scam kaysa kalalakihan.

Konserbatibo man o matapang sumugal ang kababaihan, ang tunay na isyu ay kawalan ng sapat na impormasyon. Ang mga konserbatibo ay karaniwang takot dahil hindi nila alam kung ano ang mga dapat gawin at kung paano nila gagawin ang pamumuhunan. Nagiging kampante na lamang sila sa kung ano ang kanilang nalalaman.Nakakalungkot isipin na itinuturing nilang pinakaligtas na paraan ang pagtatago ng pera sa ilalim ng kama, sa unan, o sa anumang sisidlan na itatabi sa isang sikretong lugar sa bahay. Kung baga, ito ang kanyang alkansiya. Marahil nga ay ligtas ito, hanggang walang nakakadiskubre ng pinagtataguan. Kadalasan pa ay nabibisita lang ang alkansiya kung maghuhulog o magdadagdag ng perang ipon. Kung hindi magiging regular ang pagbilang, posibleng unti-unti na itong nababawasan nang hindi niya namamalayan hanggang sa maging huli na ang lahat. Maaaring isang miyembro ng pamilya o di naman kaya ay katulong sa bahay ang kumuha nito. Sinuman ang gumawa ng ganoon ay hindi tuluyang masisisi dahil nandoon lamang sa paligid ang tukso.

Sa ganitong sitwasyon ng pag-aalkansiya, nawawala ang oportunidad na madagdagan ang pera habang nag-iipon kahit pa sabihing maliit na halaga lamang ang naitatabi. Idagdag pa rito ang posibilidad na mawala o manakaw ang inipong pera. Kailangang baguhin ng kababaihan ang kanilang pananaw tungkol dito.

Ang isa pang pinakaligtas na paraan para sa kababaihan ay ang pagbubukas ng savings account o time deposit account sa bangko. Dito, ligtas ang pera at nakaseguro hanggang sa halagang P500,000 sa ilalim ng Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC. Kumikita pa ito ng kaukulang interes.

Mas nangangailangan ng panahon at lakas para naman matutunan ang iba pang uri ng pamumuhunan gaya ng Mutual Funds, UITFs, Treasury Bills/Bonds, atbp. Marahil, mas mainam kung kapwa maglalaan ng oras ang mag-asawa para mapag-aralan ang tungkol sa mga ito mula mismo sa mga institusyong nagkakaloob ng ganitong klase ng investment. Ako mismo, hindi ko lubusang maipapaliwanag lahat dahil bawat institusyon ay mayroong kani-kaniyang tuntunin. Maaaring mag-email sa akin sa info@colaycofoundation.com kung nais makuha ang kanilang mga address at numero ng telepono.

Samantala, ang mga nag-aalok ng di legal na pamumuhunan o mga scams ay matiyaga at agresibo sa pag-aalok ng kanilang mga produkto. Dahil nga mga babae ang kadalasang naiiwan sa bahay o may panahon, mas naeengganyo silang makinig sa mga ganitong alok. Dala na rin ng di sapat na kaalaman, maraming babae ang naaakit sa ipinapangakong malaking kita at bago pa nila mamalayan ay nabiktima na sila.

Dalawang Araw na Hindi Tayo Dapat Mangamba

Sa dami ng mga problema sa mundo, gusto kong ibahagi ang isang email na aking natanggap. Isinulat ito ni Swami Avadhutananda sa Ingles.  Mahalagang maunawaan ito hindi lamang dahil sa nakasaad na aral kundi pati na rin sa implikasyon nito sa personal na buhay pinansiyal ng isang tao. Ito ang kanyang sinabi na isinalin sa Tagalog:

“May dalawang araw sa bawat linggo na hindi tayo dapat mangamba,

dalawang araw na dapat ay panatilihing malaya sa pagkatakot at pag-aalala.

Isa sa mga araw na ito ang Kahapon na kalakip ang lahat ng pagkakamali at pag-aalala, mga pagkukulang at pagkadapa, mga kirot at sakit.

Lumipas na ang Kahapong hindi na kayang pigilin habang-panahon.

Lahat ng pera sa mundo ay hindi maibabalik ang Kahapon.

Hindi na mababawi anumang kilos na ginawa;

hindi na mabubura anumang nasabing salita.

Ang Kahapon ay lumipas na magpakailanman.

Isa pang araw na hindi natin dapat pangambahan ay ang Bukas

na maaaring may dalang hirap, mabigat na pasanin,

marangyang pangako at hindi kaaya-ayang gawain.

Hindi rin natin hawak ang Bukas.

Sisikat ang araw ng Bukas, na maaaring maging maningning o di kaya ay natatabunan ng mga ulap, ngunit sisikat pa rin ito.

Hanggat hindi pa dumarating ang Bukas, hindi natin malalaman kung ano ang magaganap.

Ang tanging mayroon tayo ay ang Ngayon,

Sinuman ay kayang makipaglaban at harapin ang isang maghapon.

Kapag minarapat natin pinag-ugnayin ang mga kabigatan ng dalawang malungkot na walang hangganan ng Kahapon at ng Bukas, ay saka tayo malulugmok at babagsak.

Hindi ang karanasan ng Ngayon ang nag-aalis ng katinuan ng isang tao,

kundi ang pagsisisi o kapaitan ng karanasang naganap sa Kahapon at ang pangamba sa kung ano ang hatid ng Bukas.

Kayat tandaan na mabuhay ng NGAYON sa bawat araw.”

“Let us live but one day at a time.”

May katotohanan ang lahat ng sinabi ng awtor. Dapat tayong kumilos nang walang pangamba sa mga bagay na wala na tayong magagawa. Kung susuriin, ang mabuhay sa Ngayon ng bawat araw ay sumusuporta sa aking prinsipyo na ang tao ay kinakailangang paghandaan araw-araw ang kanyang pagreretiro. Kung hindi, habang siya’y tumatanda, hindi maiiwasang katakutan niya ang pagdating ng Bukas na hindi niya napaghandaan. At kapag nasimulan na niyang mangamba dahil sa kawalan ng preparasyon, mararamdaman niya ang pagsisisi na hindi niya nagamit sa paghahanda ang kanyang panahon nung Kahapon na siya ay bata pa.

Ang kailangan lamang ay ang pagtatabi ng maliit na halaga bawat araw at ang pamumuhunan sa long term investment na hindi gagalawin ang naipamuhunan. Kahit pa sabihing mahirap ang kasalukuyang panahon, ituloy ang pag-iimpok ng 20% ng iyong kinikita. Sikaping mabuhay na pinagkakasya ang 80%. Mamuhunan sa mga investment funds na mahusay na pinangangalagaan pero gawin ito kung hindi mo kakailanganin ang inipong pera sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Pagtatatag ng institusyong pinansiyal

Nagpadala ng e-mail si Andy. Ang sabi niya:

Bakit hindi kayo magtatag ng isang institusyong pinansiyal na magbibigay ng tiyak na 12% kita para magkatotoo ang sinasabi ninyong P1,000 ipon kada buwan na may 12% interes sa loob ng isang taon? Lagyan ninyo na rin ng P2,000 hanggang P5,000 kada buwan na ipon o higit pa. Gawin ninyong totoo ang mga ideya ninyo. Hindi puwedeng puro salita lang. Walang ganitong pamumuhunan sa merkado sa mga panahong ito. Para maengganyo ang mga tao na mag-ipon at nang hindi na maging biktima ng mga scam. Pakikinabangan ito ng mga nasa underground economy tulad ng mga cigarette vendor, jeepney driver, market vendor, construction workers, janitors, messengers, mga katulong at iba pang may mababang kita. Para naman mabigyan sila ng pagkakataong umangat. Sa ngayon kasi, mga may pera lang ang pinagsisilbihan ng mga institusyong pinansiyal. Magiging mahirap ito para sa inyo sa ngayon dahil sa dami ng mga alituntunin, regulasyon at batas na dapat bigyang konsiderasyon, Pero isang malaking hamon ito sa inyo.

Ang sagot ko:

Para magarantiyahan ang anumang tiyak na kita, kailangang magkaroon ng siguradong pagkakakitaan para mabayaran ang ipinapangakong tubo. Tanging ang gobyerno lamang ang puwedeng magbigay ng absolute guarantee dahil ito lang ang may kakayahang magimprenta ng pera. Iyong mga nangangako ng tiyak na kita ay nagbabatay lang sa kung ano ang tiyak na mapagkakakitaan ayon sa kanilang paniniwala. Pero ang ganitong garantiya ay hindi lubusan. Kapag bumagsak ang negosyo, hindi matutupad ang mga ipinangakong tubo. Ito ang delikado sa namumuhunan nang malaki dahil walang katiyakang mananatili siyang may trabaho.

Mayroon ding iba na nagbibigay ng garantiya kahit walang sapat na batayan. Ito ang mga manloloko na karaniwang nagtatagumpay dahil malaki ang iniaalok nilang kita kaya marami ang naeenganyong pasukin ang kanilang pamumuhunan kahit delikado ang mga ito. Ang mga nabibiktima ay mga taong gusto ang biglaan at mabilisang kita. Hindi nila naisip na walang madali sa mundong ito. Kung gustong yumaman, kailangang pag-aralang mabuti kung paano ito gagawin. Nangangahulugan ito ng pagpapatupad ng mga alituntunin para maingatan ang mga risks sa pamamagitan ng panahon, compounding at tamang alokasyon ng mga asset.

Layunin ng aming institusyon na ituro ang kaalamang pinansiyal at ang mga binanggit mo ay natutugan ng mga nalathalang libro.

May mga institusyong pinansiyal para sa malakihang puhunan gaya ng sinasabi mo. Pero wala sa mga ito ang kayang magbigay ng garantisadong kita.

Hawak ng Maybahay ang Badyet ng Pamilya

Itinatakda ng tradisyon na ang sistema ng pamilyang Pilipino ay nakasentro sa ina (matriarchal). Nakapagtataka kung bakit kahit pa ang ama na sinasabing haligi ng tahanan ang siyang inaasahang kumayod upang buhayin ang pamilya, karaniwang ang desisyon pa rin ng ina ang sinusunod. Ilang henerasyon na ang kumikilala sa ganitong kalakaran. Marahil ay dahil ito sa paniniwalang mas matagal ang buhay ng mga babae kaya ang nakikita ng mga anak ay ang pagsusumikap ng ina na buhayin sila matapos mamayapa ang ama. Maaari ring ang ina ang mas madalas na namamahala sa tahanan dahil ang ama ay nasa labas at naghahanap-buhay. Katuwiran nga, tutal ay panggastos sa bahay ang malaking bahagi ng kinikita ng lalaki, kalimitang babae naman ang bahalang magbadyet nito para sa mga pangangailangan ng buong pamilya.

Nakasanayan na sa maraming lugar sa mundo na ang mga magulang na nagretiro na ay namumuhay nang sarili gamit ang kanilang mga pensiyon. Pero sa Pilipinas maging sa ilang bansa sa Asya, umiiral ang extended family system kung saan pinapayagang umasa sa mga anak ang mga magulang na wala nang kapasidad magkaroon ng sarili nilang kita. Ang totoo, ang ganitong sistema ay mabigat para sa anak na babae lalo na sa manugang na babae. Bukod sa pakikisama, mas mahirap para sa kanila na balansehin ang kinikita at ang mga gastusin ng pamilya.

Naniniwala ako na hindi dapat balikating mag-isa ng mga maybahay ang ganitong responsibilidad. Dapat ay maging kabahagi nito ang asawa, mga magulang, mga anak at lahat ng naninirahan sa iisang bubong. Ang ama ang dapat na magtakda ng alituntunin na “Sangkot ang buong pamilya sa usaping pinansiyal.”.

Bago pa man ang paghaharap-harap at pag-uusap na ito, kailangang ayusin ng mag-asawa ang badyet ng pamilya sa isang paraan na mauunawaan ng lahat. Ipakita na ang KITA bawasan ng IPON ay mag-iiwan ng PANGGASTOS. Sa madaling salita, mahalagang malaman ng lahat kung magkano ang dapat itabi bago gumastos. Ngunit gawing malinaw lalo na sa mga anak na ang itinatabi o iniipon ay para sa pagreretiro ng mag-asawa at hindi para gastahin ng sinuman. Nasa pagpapasiya ng mag-asawa kung hindi nila idedeklara ang lahat na aktuwal nilang kinikita. Pero kailangang maging maliwanag na pinaglalaanan ng mag-asawa ang kanilang pagreretiro para hindi sila umasa sa mga anak sa kanilang pagtanda. Maging maingat lamang sa mga sasabihin lalo na kung kaharap sa pag-uusap ang mga biyenan na kasama sa bahay. Tiyaking alam nila na tinatanggap ninyo ang kanilang pagtira sa bahay at kailangan ninyo ang kanilang tulong bilang miyembro ng pamilya.

Hangga’t maaari, gawing detalyado ang badyet at ihiwalay ang mga PANGANGAILANGAN sa listahan ng mga luho o DI KAILANGAN sa mga gastusin. Isama sa talaan ang mga hindi buwanang gastusin gaya ng edukasyon, buwis o amilyar, bayad sa mga hinuhulugan, alokasyon sa emergency, pagmamantine ng bahay at sasakyan, atbp.  Kailangang makibahagi ang bawat isa sa paggagawa ng badyet. Dapat magbigay ng kontribusyon sa panggastos (Cash In) ang sinumang may kinikita. Ang mga walang trabaho ay kailangang magsabi kung paano sila magtitipid para mabawasan ang mga gastusin (Cash Out).

Credit Etiquette

Armand Bengco, ang Colayco Foundation Executive Director ay naging panauhin ni  Lyn Ching sa Unang Hirit.  Ang interview ay maaaring mapanuod sa http://www.youtube.com/watch?v=-tirSBBPy_8.  Ito ang naging usapan nila.

“Ano ang tamang paraan ng pangungutang?”

Kung sa bangko at ibang institusyon na nagpapautang, pormal tayong humaharap.  Gumagawa pa nga tayo ng pormal na sulat kung bakit tayo nangungutang at kung ano ang ating kakayanang magbayad.  Pauutangin tayo dahil mayroon tayong tunay na kakayanang magbayad at hindi lang dahil may collateral o mayroong guarantor.  Kung bago ka sa pangungutang sa bangko, mas mabuting may kilala ka na magpapakilala na ikaw ay marunong sumunod sa kasunduan.  Ang kolateral o guarantor ay kalimitan mga tuntunin ng Bangko Sentral.

Kung tayo ay mangungutang sa ating kaibigan or kamag-anak, siyempre bigyan rin natin sila ng kurtesiya. Mas mabuti na personal tayong pumunta at huwag lang mag-text o tumawag.  Dapat ipaliwanag natin kung bakit tayo humihiram ng pera at kung paano tayo magbabayad.  Dapat handa tayong pumirma ng kasulatan para talagang maniwala siya na may intensyon tayong magbayad.

“Paano mo sasabihing wala kang maipapautang o ayaw mong magpautang?”

Kung kamag-anak or kaibigan ang umuutang siguro pwede tayong makipag-usap ng masinsinan.  Mabuting mayroon tayong nakasulat na budget para maipaliwanag natin at makita nila agad kung bakit hindi natin kayang magpa-utang.  Kahit wala tayong listahan na maipakikita, dapat maipaliliwanag rin natin na mayroon tayong ibang pinaglalaanan at hindi lang siya ang binubuhay natin.

Maaari rin sabihing diretso lalo na kung tayo ay kinakapos.  Sinasabi nga namin sa Colayco Foundation, “we cannot share what we do not have.”

Pwede rin sabihin na sistema natin talaga ang hindi magpautang.  Sabi nga ni Armand na sa pamilya niya na anim na magkakapatid mulang pagkabata hanggang ngayong may edad na sila, hinding-hindi sila nag-uutangan sa isa’t isa. Kapag nakita rin naman ng ibang tao na ganoon ang pananaw na pinapahalahagahan at inirerespeto ang ating pananalapi, parang mahihiya silang lumapit.  Kung ano ang pinapakita natin sa labas, ganoon din ang pagtanggap at kung paano tayo itatrato.  Hindi talaga magandang makita ang mga magkamag-anak na nagkakainisan, nag-aawayan, at nagkakagalit dahil sa pera.

Minsan mayroon tayong kakayanang magpautang pero nagdadalawang isip tayo dahil may reputasyon yong umuutang na hindi nagbabayad.  Kung meroon siyang hindi masyadong magandang reputasyon, pangit naman na sabihin natin ng deretso kayat siguro dapat na lang mag “white lie” para makaiwas.  Dapat lang hindi tayo manggagalit o magpapahiya.  Kung sakaling pautangin pa rin natin siya, handa lang tayo na parang donasyon na lang yon.  Huwag na tayong magtaka pa o magalit kung hindi tayo mabayaran.

Ang isang magandang ugali, lalo na sa mag-asawa, ang hindi lang tayo ang nagbibigay desisyon sa pera.  Kasama natin ang katuwang natin sa buhay o maski na single, sabihin na kasama ang ating magulang o guardian sa mga desisyon tungkol sa pera, sa paggastos, sa pagpapautang, and pati sa pagiinvest.  Kung ayaw natin talagang magpa-utang, pwede nating sabihin sa  nanghihiram na “ay sorry, ayaw nang asawa ko eh.”

“Tama ba ang maki-ride sa credit card ng iba?”

Mayroong iba na kapag nasa shopping ay nagsasabing “pwedeng ilagay ko na lang sa credit card ko tong pinamili ko at babayaran kita pagnaningil na?”

Yan ay hinding-hindi dapat gagawin.  Ang credit card ay napaka-personal.  Pirma natin so talagang nagiging utang na natin kapag pumirma tayo.  Wala na tayong habol sa “naki-ride.”

“At pagdating sa pangungutang, sino ang dapat mong utangan? Kaibigan? Boyfriend? BOSS?”

Depende siguro sa sitwasyon.  Kung mga pormal na utang tulad ng housing loans, sa mga bangko o mga pormal institusyon na yon.  Kung mga emergency siguro, ang unang takbuhan ay kamag-anak.  Sa magboyfriend-girlfriend, siguro huwag muna. Baka yon nga ang magdala ng pagkawala ng respeto sa bawat isa.  Mayroon ngang mag-girlfriend/boyfriend lang na nag-jojoint account na.  Mahirap yon kung naghiwalya kayo hindi niyo alam kung paano ang hatian.  Kung ‘yung magasawa nga nagkakaproblema sa paghihiwalay ng properties at assets, lalo na ‘yung magboyfriend-girlfriend.

Involving Kids in Money Management

Money was not a problem with us before. In fact, my kids have enjoyed the luxuries in life. But now, things are not so good financially since we closed down the cloth factory that we were managing. We’re not starving but we can’t afford the things that we’re used to before. How do I tell my kids these? I don’t want them to feel sorry for themselves and to burden them with our problems but they keep asking for things that we cannot afford now. Please advice.

Your story is not new.  There are so many families who are undergoing the same trials because of the reversal of the economy all over the world.  Your kids will definitely not be alone in their situation.  In fact, when you tell them and if they share with their friends, they will probably realize that they will have a peer group that will help them through because they are all in the same boat.  Of course, this is on the assumption that your kids do not belong to a group of super-rich kids whose parents do not even work for a living.  Such kids would probably have no concept of the value of work and money.

Yes, definitely, your kids should be involved in understanding what has happened to you.  But, you need to first talk to your husband and agree on:

–       how much your kids are capable of understanding.  This depends on both their age and their emotional maturity.

–       how much you would like them to know at this point.  Choose the most urgent issues.  There is no use in getting them all insecure and stressed.  Just make sure they understand the sacrifices all of you have to make.

–       the common style you will use in telling them.  One way is for both you and your husband to start by showing them very clearly that you have changed your personal spending habits.  Every opportunity you get, express how you are cutting down on something that you really want for yourself.  After this lifestyle cut-back becomes the norm, , so that the kids are obviously aware of the difference, it may be time to sit down with them and tell them the story referring to why they might have noticed on how different you have become.

–       Impress on your children that your main concern is what lifestyle can be sustained without incurring unnecessary debt; that what is important is not to trade the future with the present.

Express the positive in everything like how your family should count your blessings; like how many more kids and families do not have the same things that you are still enjoying.  You and your husband must be in complete agreement beforehand so your kids do not end up confused with conflicting statements from the two of you.  For example, understand exactly what can you no longer afford.  If you believe your family should not eat out and your husband feels differently, agree on what your common stand should be.  Perhaps, it could be that eating out should only be during birthdays and only in a low-cost food restaurant that you both agree on.

To reach a good agreement on what you can tell them, you should have a common understanding of your finances.  Make sure you agree on your Statement of Assets and Liabilities (SAL) and Personal Income and Expense Statement (PIES) and your budget. Since you had a business, this should not be difficult for you.

Reduce Expenses and Make Money

My husband recently lost his job. So while he is looking for work, I want to help out by earning money on my own. However, I can’t go to work because we have three kids that I have to take care of. Is there a way that I can earn while being at home?

There are two ways you can help your husband.  One quick way is reducing your expenses to the strictest basic Needs at least during these difficult times.  Needs are those that you can’t live without.  Everything else is considered Wants.  You will be surprised that you are probably still buying Wants without realizing it.  Just to emphasize what strict means, for example, any kind of dessert would be considered a Want.  Even coffee is a Want.  Choosing nutritional fruits and vegetables are Needs only if these are made part of your family’s daily nutrition.  Just buy those that are priced lowest for the season.  Taking a shower and wasting expensive water is a Want if you can use water from a bucket.  You get the drift, I’m sure.  You can just choose the best value for your money.  But I am not saying this is forever.  This is only in a state of emergency, which is where you are now.

Definitely your husband should be included in this exercise of reducing expenses.  It is important that you both show your children a good example.  “Practice what you preach.”  Depending on how old they are, you should include your kids in your budgeting exercise.  Make a game of the entire process.  Try not to introduce sweets and junk food to them except to taste, if it is already available at no extra cost to you.

The second option is to work at home as you are asking.  I think that working at home can only be through the use of your household capabilities or through the internet.

Household capabilities would probably mean cooking, sewing, washing, ironing, and handicraft.  Only you can identify what you are really good at.  In some situations, you can include your family’s needs in the process of doing the service for others.  For example, if you cook well, you might have neighbors who don’t cook and just buy their cooked food.  You could offer them your own daily home-cooked meal for a price that will give you a little profit but would still be worth it for them.

Just a thought, perhaps you can offer to take care of the children of your co-parents who also need to be at work and may not have the time to bring them to and from school.  You could look into running a mini-school bus-cum-nursery (children care) service to parents in the same school as your children.  Financing for acquisition of a school bus is quite available.

On the internet on the other hand, there are so many offers if you just go through a Search Engine like Google with a question on what you can do at home.  But you need to be careful if the opportunity will really work for the Philippines.  Most of them are really for the U.S. even if they claim to be internationally.  Be extra wary when you are asked to make an investment, no matter how reasonable it might seem.  If you are not sure but want to gamble, just understand that you are gambling so that you will not be disappointed.

Teaching Your Kids to Save & Invest

I always teach my kids to save their money in the bank and though this is a good practice, I feel that I should not be focusing on just saving but also in investing. How do I teach them about it without really boring them with the technical mumbo jumbo?

Congratulations!  You are an enlightened mother and your wisdom will bring precious results in the future.  You did not mention how old your kids are.

To begin with, it is important for your children to understand the two basic types of investments, namely, lending investment and ownership investment.

Putting money in the bank is lending investment.  Money in a savings account or in a time deposit is actually a loan to the bank.  In exchange for using the depositor’s money, the bank pays him “interest”.  This is the fixed income that the depositor gets while his money is kept in the bank.  Here, the bank guarantees the payment of interest (depositor’s income) and the principal amount in the deposit. Because of this guaranty, the interest rate is relatively low as the risk of losses to the depositor is also relatively low.

Ownership investment, on the other hand, is actually the acquisition of assets (shares of stock, property, etc) with the expectation to periodically earn income generated by the asset and, eventually to accumulate gains due to the increase in the value the asset over time.  In ownership investment gains or losses are actualized only when the asset is sold.

Generally, ownership investments are more suitable to meet long term goals.

At the risk of oversimplifying, investors must be guided by the following economic laws:

a)    the higher the return the higher the risk;

b)   the longer the time (investment period), the lower the risk; and

c)   the longer the time, the higher the return

You can start explaining the foregoing principles to them so they start with the proper understanding of investments.  When one invests, he must have clear financial expectations based on specific economic goals. These concepts can be taught through games so that learning takes place with a lot so fun as well.

Explain that, no matter how small, a little interest is much better than just keeping their money permanently in a piggy bank at home not earning anything.  Piggy banks help in saving because loose change can easily be dropped in until the bank fills up.  Empty the piggy bank regularly and deposit the contents into the bank account. Explain to them the entries in the savings bank book.  If you yourself don’t understand, make sure you ask the bank employees.  They will be most happy to help you especially with your kids because those are their clients in the future if they treat them well.

If they have accumulated money over P6,000 in their savings account, then, you can start showing them other investment options.  The next option available for a minimum of P5,000 is the Mutual Fund (MF).  There are a few funds that accept this small minimum as an initial investment.  The minimum for Unit Investment Trust Funds (UITF) of banks is P10,000.  Thereafter, they can add P1,000 each time into their account.