Category Archives: Spend

“Nang Magising si Juan” Episode 2 Trailer

ni: Francisco J. Colayco

Noong Linggo, pinalabas na namin an gaming pinakabagong programa sa telebisyon, ang Nang Magising si Juan. Nakatanggap kami ng napakaraming positibong puna tungkol sa programa, mula sa mga tagasunod namin sa Facebook. Masayang-masaya akong naintindihan ng mga manonood kung tungkol sa ano ang programa: isang tawag na gumigising para umaksyon.

Sa unang episode, nakita niyo ang kalagayan ni Ariel pagkatapos ng kanyang kasikatan. Lubog siya sa utang, ngunit itinatanggi niya ang kanyang kalagayan. Ipinapakita niya ang sarili bilang magarbo ngunit nagiging “wais.” Isa siyang “script-writer” para sa aking programang, “Feeling Close with FJC.” Sa isa sa mga usapan namin, sinabi ko sa kanyang itanong niya itong simpleng tanong kapag gigising siya tuwing umaga: “Magkano ka ngayon?” Mula rito, nagsimula ang kanyang pakikipagsapalran patungo sa pinansiyal na kaalaman at kalayaan.

Ang episode noong Linggo ay simula pa lamang. Marami pang ipapakita sa mga sumusunod na episode, kung saan susubukang gawin ni Ariel ang lahat ng mga aral at payong matatanggap niya mula sa akin at sa iba pang miyembro ng Colayco Foundation team (nang may nakakatuwang kinahihinatnan, siyempre).

Ipapalabas ang ikalawang episode ng Nang Magising si Juan bukas, ika-25 ng Mayo. Panoorin niyo ito para tingnan kung ano ang iyong dapat abangan:

Manood ng Nang Magising si Juan tuwing Linggo, 8:00 am, sa GMA News TV!

Nang Magising si Juan Episode 1 (Sneak Peak)

by: Francisco J. Colayco

We had an event launch of our newest comedy-reality TV show, Nang Magising si Juan, last May 13. A hundred people from various media, corporate, and other entities attended the event. We were very happy with the turn-out and the reaction everyone had when they saw the first episode of Nang Magising si Juan.

So for the followers of my blog, here’s a sneak peak of the first episode:

Watch Nang Magising si Juan, as I and the other members of the Colayco Foundation team will try to help Ariel in his financial predicament. Catch it starting May 18, 8 am, at GMA News TV Channel 11!!!

Smart Summer Shopping

Everyone can’t help but feel the heat during summer. It’s a good thing that there are things around to help you cool off during this hot and sweaty season. Nevertheless, there are still instances that the summer heat can get through one’s financial senses. You may spend beyond your budget, buy something that you cannot really afford, or not using your credit card carefully.

How can you enjoy spending in the summer without succumbing to financial strokes?

Check out our Cosmo Cash tip in Cosmopolitan Magazine’s July 2013 issue! True enough, this tip is not just applicable for the summer. You can also do this throughout ANY SEASON!

July 2013 issue of Cosmopolitan Magazine

 

Contributed by Guita Gopalan and Arthur Ladaga of Colayco Foundation

*Fight for your dream of a wealthy future! Join the One Wealthy Nation community today. For more details, visit www.onewealthynation.com today!

Travel Tips to Beat the Heat

We assure you, this is no April Fool’s joke! Summer is up and everyone is excited about it. It’s always nice to just go out of the city and enjoy peace and quiet somewhere. Of course, there are always costs in traveling out. So how can you enjoy the summer traveling without stumbling along financial road blocks?

Mr. Armand Bengco, Executive Director of the Colayco Foundation, shares some travel tips on how to fully enjoy your summer!!!

Make your summer fun, relaxing, and productive! Start your journey to wealth now. Join One Wealthy Nation today! To know more, visit www.onewealthynation.com for more details.

7 Fire Management Tips

March is known as “Fire Prevention Month.” Fire is one of the most financially-crippling situations that one can experience. When a property (ex. house) burns down, it can be difficult to get back up. Around 8,798 cases of fire incidents were noted in 2012, according to the National Statistics Office. The good news is that FIRE CAN BE PREVENTED! With careful planning and preparation, you don’t need to feel a financial burn-out when the heat is on!

Here are 7 Fire Management Tips to remember to prevent fire from happening:

Be a part of the WEALTH REVOLUTION!!! Join One Wealthy Nation. For more info, visit www.onewealthynation.com.

Ang Housewife na Walang Pera

by: Francisco J. Colayco

unang lumabas sa Bulgar noong Marso 09, 2013

Posibleng iniisip mong wala kang kita kasi hindi ka nagtratrabaho. Hindi naman kailangang ganyan ka mag-isip. Kung may allowance kang tinatanggap o kaya’y ikaw ang humahawak ng budget ng bahay, pwede mo iyong ikonsidera bilang kita mo! Humanap ka ng paraan para 80% lang ang magamit para sa pangangailangan ng pamilya. Pwedeng sa iyo na ang 20% na maitatabi mo. Mas mabuti kung higit sa 20% ang maiipon mo. Kung nag-iipon ka at nag-iinvest gamit ang formula na ito, pwede mo nang isama sa 80% na budget ang mga regalo at tulong mo sa mga mahal sa buhay. O kaya naman, pwede ka ring kumuha ng sideline na makakapagbigay sa iyo ng karagdagang kita.

Kung sinusunod mo ang mga payo sa itaas, maaari ka nang maging masaya at kampante, hindi ba? MALI, HINDI PA!

Hindi pa iyon nagtatapos doon. Kailangan mong i-invest ang ipon mo sa isang uri ng investment na tutubo nang higit sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin. Tandaan na kaakibat ng buhay natin ang pagtaas ng mga presyo kaya naman tiyak na lalong kakaunti ang mabibili ng pera natin sa mga darating na taon. Kung itinago mo ang ipon mo sa baul, aparador, unan, o sa isang savings account, tiyak na mas maliit na ang halaga ng pera mo sa kinabukasan. Pagdating ng panahong hindi ka na kumikita, at kulang pala ang ipon mo, magdudusa ka dahil wala kang sapat na kakayahang panindigan ang piniling pamumuhay. Ibig sabihin lang nito, kailangan mong matuto kung paano i-invest nang tama ang ipon.

 

May dalawang uri ng investment: pagpapahiram (lending) at pagmamay-ari (ownership).

Isang halimbawa ng pagpapahiram ang pagdedeposito sa bangko. Kung tutuusin, pinapautang mo sa bangko ang perang dinideposito mo sa savings account at time deposit account. Dahil ginagamit ng bangko ang pera mo, binabayaran ka nila ng “interes”. Ito ang natatanggap mo mula sa bangko hangga’t hawak pa nila ang pera mo. Ginagarantisa ng bangko ang pagbabayad ng interes at ang prinsipal na halaga ng deposito mo. Dahil sa garantiya na ito, mababa lang ang interes na binabayad nila sa iyo, tutal maliit lang ang panganib na mawala ang pera ng depositor.

Sa kabilang banda, ang pag-iinvest sa pagmamay-ari ay ang pagbili ng mga assets (stocks, mga ari-arian, at iba pa) na inaasahang magdudulot nang kita. Inaasahan ring tataas ang halaga ng mga ito sa pagdaan ng panahon kaya naman lalong lalaki ang tutubuin ng investor. Kapag nag-invest sa mga pag-aari, mapapasa-kamay ang kita o lugi kapag binenta mo na ang mga pag-aari na iyon.

 

Karaniwang mas mainam ang mga investments sa pag-aari para makamit ang mga pinansiyal na layunin sa mahabang panahon. Ito dapat ang layunin mo para sa iyong pagreretiro.  Pero kailangang pag-aralan mabuti at malaki rin ang risko.

Magpasyal sa www.colaycofoundation.com para sa karagdagang impormasyon.  O tumawag sa 6373731 o 41

Love at No Cost

IT’S VALENTINES DAY!

People would normally spend some peso to spend the day with their significant others. And yet, there are smarter ways on how to make the day more special, even without spending a single peso. So how do you do it? CHECK OUT THE INFOGRAPHIC BELOW!!!

Ano ang Liabilities?

ni: Francisco J. Colayco

*Unang lumabas sa Bulgar noong Nobyembre 22,2012

Itinanong ito sa akin ng  isang tagasubaybay: “Hanggang magkano lang dapat ang mga utang ko?”

Gusto mong malaman kung hanggang magkano ang pwede mong utangin. Bago pa man ang lahat, dapat naiintindihan mong nagdudulot ang utang ng obligasyon na magbayad ka ngayon at sa hinaharap. Kung kaya, huwag na huwag mangungutang kung wala kang tiyak na mapagkukunan ng bayad.

Dahil hindi ko alam ang iyong Statement of Assets and Liabilities (SALN), magbibigay na lamang ako ng ilang paalala tungkol sa utang. Pero talagang kailangan mo pa ring gumawa ng SALN, kung hindi mo pa ito nagagawa.

Posibleng may iba pang uri ng utang na nagagamit mo o kaya’y kailangan mo, depende sa sitwasyon mo. Pero ito ang mga karaniwang uri ng utang na makabuluhan sa iyo:

1.      “Lista” – kung suki ka ng isang tindahan at may bibilhin ka pero wala kang dalang pera, makukuha mo pa rin ang paninda pero “ililista” ito ng tindera. “Lista” rin ang tawag sa mga utang mula sa mga kakilala na babayaran sa loob ng maiksing panahon.

2.      Installment loans (karaniwang para sa mga appliances at kooperatibang nagpapautang)

3.      Utang para sa bahay or sa pagpapa-ayos nito (karaniwang galing sa Pag-ibig o mga pinansiyal na institusyon)

4.      Utang sa Kotse (posibleng galing sa isang pinansiyal na institusyon o sa sarili mong kumpanya)

5.      Credit Card (hindi ito magandang utang at dapat itong iwasan kasi ang interes nito ang pinakamataas sa lahat)

Mahahati ang utang sa dalawang uri: iyong mga utang na kailangang bayaran nang buo sa isang espesipikong petsa o iyong mga utang na installment na dapat bayaran nang ilang ulit sa hinaharap ayon sa kasunduan.

Iba ang uri ng utang para sa kumpanya o negosyo. Nakabase ang mga utang na ito depende sa kakayahan ng negosyo na magbayad. Hindi nagpapautang ang mga pinansiyal na institusyon nang hindi pinag-aaralan ang kakayahan ng kumpanya, kung saan gagamitin ang utang, at paano babayaran ng kumpanya ang utang sa takdang panahon.

Bilang patakaran, mainam na ikonsidera ang bawat personal loan na parang company loan. Isipin ang sarili bilang isang kumpanya. Suriin kung bakit ka mangungutang  at umutang lang ng halagang kaya mong bayaran nang hindi naabala ang iyong mga pang-araw-araw na gastusin. Siyempre, para malaman kung hanggang magkano ang kaya mong ipambayad sa utang, kailangan mong gumawa ng budget.

Kailangan mo pa ring sundin ang patakaran na: Income – Savings = Gastos (o Income – Savings = Expenses).

Kung ang iyong utang ay para sa bahay o kotse, posibleng ikonsidera ang buong halaga o ang bahagi ng installment bilang bahagi ng iyong “Saving”. Pansinin na sinabi kong posibleng ang ilang bahaging lang ng ibinabayad sa housing loan ang maituturing na investment. Dahil kung sakaling tumaas ang halaga ng bahay sa hinaharap, maituturing mong investment ang perang ibinayad mo sa installment. Siguruhing may karapatan kang ibenta ang bahay ayon sa titulo ng bahay. Pag-aralan ito nang mabuti. Dahil kung hindi, ang house installment mo ay para lang gastusin gaya ng pambayad sa renta.

Sumali sa aming mga seminar at tingnan ang aming mga pampaskong handog sa www.colaycofoundation.com. Sa pamamagitan ng CFE, matutulungan ninyo ang inyong mga kamag-anak at kaibigan na magkaroon ng edukasyon tungkol sa tamang paghawak ng pera.

Colayco Foundation at Cosmopolitan Magazine

The Colayco Foundation does not tire spreading the importance of financial literacy. With this in mind, we utilize various forms of media, one of which is on print publications. We are featured on various print publications, one of which is  Cosmopolitan Magazine. We were featured in the December feature last year, but the financial lessons are still timeless.

Check out the picture below!

Mga Uri ng Gastos na nagdudulot ng Utang (Ika-Limang na Bahagi)

*Unang lumabas sa Bulgar, Hunyo 28, 2012

May ilan sa atin na totoong may pera para bilhin ang gusto nila pero ginagamit nila ang credit cards nila dahil “cool” iyon. Isa pa, may mga points silang nakukuha sa credit card na pwedeng i-redeem para makakuha ng mga nakakatuwang items. Mahusay! Pero kailangan lang siguruhin na isangtabi ang cash para bayaran ang credit card sa tamang petsa at hindi mahuhuli ang bayad. Problema kung makalimutan mo na ginamit mo pala ang credit card at magastos mo ang cash na nakikita mo sa pitaka mo. Kapag nagastos mo ang iyong cash, maghahagilap ka ng pera kapag malapit na ang due date. Ang masama pa, baka lagi mong ginagamit ang credit card mo at hindi mo binabantayan ang iyong mga gastos. Hindi mo mamamalayan na sobra-sobra na ang gastos mo.

Dumadami na ang gumagamit ng credit card para sa automatic na bayad ng mga utility bills, at iba pang buwanang bayarin. Hindi na binabayaran nang cash ang utility bills, at ang cash na naiiwan ay ginagamit sa ibang gastusin. Dahil dito, lumalaki ang panganib na hindi makontrol nang tama ang mga gastos. Magugulat ka na lang kapag dumating na ang credit card bill matapos ang ilang linggo. Kung hindi mo mabayaran ang credit card sa tamang petsa, malalagay ka sa pagkakautang sa credit card at kahindik-hindik ang penalties at interes nito.  Mas mainam talaga na gumamit ng cash kung mayroong panganib na hindi mabayaran ang credit card sa tamang araw. Mas malala kung mawalan na ng kontrol sa paggamit ng credit card.

Kailangan mo ba talaga ng Bakasyon?

Mabuti ang pagbabakasyon at nakakatulong din na pasiglahin ang isip at katawan. Pero nakakatawang isipin na minsan, napakaraming ginagawa tuwing bakasyon kaya kailangan mo pa ng isa pang bakasyon para mawala ang pagod.

Mainam na planuhin ang bakasyon, lalo na kung titingnan mula sa aspekto ng pera. Sa kasamaang palad, minsan ginagamit ang bakasyon para takasan ang emosyunal na pasanin na dulot ng isang malaking problema. Dahil sa pagpapairal ng emosyon, nakakalimutan ang pinansiyal na epekto ng bakasyon at nagagamit nang husto ang credit card. Isa itong malaking pagkakamali.

Huwag na huwag gamitin ang credit card para sa isang bakasyon maliban na lang kung mayroon ka talagang cash na ipambabayad pagdating ng takdang petsa. Tuwing bakasyon, dalhin lang ang cash na nakabudget at iiwan sa bahay ang credit card para hindi ka matukso na gamitin ito.  Kung kasama mo ang pamilya, siguruhin na alam at susundin ng bawat isa ang budget!

Nais mon bang paghandaan nang maigi ang iyong retirement? Sumali na sa ‘ming mga sa Hulyo 20, 2013: Pisobilities for Retirement at INVESTability: Mutual Funds. Bisitahin lang ang www.colaycofoundation.com para sa karagdagang detalye!