Likas sa ating mga tao ang makisalamuha, makipag-ugnayan at makipagkapatiran. Sa ganitong kadahilanan kung bakit ibat-ibang samahan ang itinatatag natin depende sa ating pangangailangan, interes, propesyon at iba pa.
Bawat samahang itinatayo ay nagtataguyod ng mga layunin. Kapuna-puna na ang karamihan sa mga ito ay kung paano magkakatulungan ang bawat kasapi nito. Isa sa mga natatangi rito ay KOOPERATIBA bilang isang kapatiran para sa kasaganaan.
Ano ang KOOPERATIBA?
Ang kooperatiba ay samahan ng mga taong nagkaisa at nagtutulungan upang matamo ang kanilang layuning pangkabuyahan. Sama-sama ang mga ito sa pag-iimpok at pag-aambag para sa kailangang puhunan at tanggapin ang tamang hatian ng mga kapalaran (risks) at mga kapakinabangan (benefits).
Maituturing itong pagbabakas-bakas ng mga tao ng kanilang hindi kalakihang impok upang makapaglunsad ng isang mapagkakakitaang gawain. Mga impok na kapag pinagsama-sama ay naging isang makapangyarihang puwersa upang kumita. Ang aking P1,000 ay mahihirapang mailunsad sa isang matinong negosyo subalit kapag ito ay ibinakas sa 99 na kaparehas na halaga ay magiging P100,000 ito na maaaring pagsimulan ng isang matinong negosyo.
Ito ang tinatawag ni financial wellness expert na si G. Francisco Colayco na kapangyarihan ng pagiging isa (Power of One). Magiging malaki ang kalat-kalat na maliliit kapag pinagsama. Magiging makapangyarihan ang mahihina kapag pinagsama.
Benepisyo sa Kooperatiba
1. Pagtanggap ng Dibidendo
Dahil bumakas sa puhunan, kahati din sa kita ng negosyo. Bawat kasapi ay tatanggap ng bahagi sa kita ng kooperatiba na tinatawag na dibidendo. Ang laki nito ay depende sa laki ng kinita ng kooperatiba at laki ng ambag sa kabuuang puhunan.
2. Nagkakaloob ng hanapbuhay
Bukod sa dibidendo ay mataas ang potensyal na mabigyan nito ng trabaho ang kaniyang mga miyembro lalo na ang mga nasa linya ng produksyon.
3. Mas murang halaga ng produkto at serbisyo.
Bilang kasapi ng kooperatiba ay karaniwang may diskwento sa mga produkto at serbisyo. May mga ilan namang nagbibigay ng patronage refund sa pagtangkilik ng mga miyembro.
4. Access sa pautang, pagsasanay at iba pa.
Karamihan ng mga kooperatiba ay nagpapahiram ng ibat-ibang uri ng pautang sa mga kasapi nito sa mas mababang interes. Nakakahiram ang mga kasapi ng puhunan para makapagsimula at makapagpalaki ng sariling negosyo. Kasabay nito ay pagbibigay din nila ng pangkabuhayang pagsasanay at iba pa.
Batay sa mga benepisyong nabanggit, hindi mapapasubalian na ang pagsapi sa kooperatiba ay isa mga landas na posibleng tahakin natin tungo sa pinapangarap nating kasaganaan. Nasa ating pagsasama-sama at pagtutulungan ang ating kasaganaan!
Melchor V. Cayabyab is an educator, an entrepreneur, and a Financial Wellness Advocate of Colayco Foundation. He has been teaching economics for more than ten years now. He was awarded the “Most Outstanding Teacher of Manila” in 2003. As an entrepreneur, he is a successful distributor of different food supplements. Last year, he established “AHON SA KAHIRAPAN”, a micro-lending cooperative that aims to lend money with very low interests and at the same time help its members learn how to manage their finances properly.
This is not what I seached
OK and Thanks,
email me for your other valid concerns
tata.cfe@gmail.com
I like it
OK and Thanks,
email me for your other valid concerns
tata.cfe@gmail.com