Masaganang Buhay sa Kabila ng Pagtaas ng Presyo

Pinakamalapit na usapin sa bawat isa sa atin ang patuloy pagtaas ng presyo lalo na ng mga pangunahing bilihin —-ito ang tinatawag na implasyon (inflation) sa ekonomiks. Maituturing na direkta ang atake nito sa ating pang-araw-araw na buhay lalo na kung hindi naman kasabay na tumataas ang ating kita. Paano nga ba natin maaalpasan ang epekto nito at masisiguro na maging masagana ang ating buhay?
 
Bakit Malaking Usapin ang Implasyon?
Sa bawat pagtaas ng presyo, nababawasan  ang kakayahan ng ating salapi na bilhin ang dati nitong kayang bilhin. Halimbawa, kung ang iyong P 100 ay nakakabili ng 5 kilo ng bigas sa presyong P20 kada kilo ay hindi ka na makabili ng kaparehas na dami  ng ito ay maging P 25 kada kilo. Apat na kilo na lamang ang kakayaning bilhin ng iyong hawak-hawak na isandaang piso. Ito dahilan kung bakit  bantay na bantay ng bawat isa sa atin ang bawat paggalaw ng presyo.
 
Sinu-sino ang  mga apektado ?
Kung isa kang fixed income earner na walang kasiguruhan kung kailan tataas ang sweldo ay siguradong apektado ka! Walang pagbabago sa iyong kita samantalang kumukonti ang iyong nabibili ng dahil sa implasyon. Kaya talung-talo ka kung di rin tataas ang iyong sweldo.
Ganundin sa mga nag-iipon,tabi ka ng tabi  ng salapi  na ang  akala mo sa pagdaan ng panahon ay lumalaki. Subalit ng magkaroon ng 10% na implasyon ay nabawasan  ang kakayahan nitong makabili ng 10%. Ang dapat lumaking ipon ay lumiliit ang “tunay na halaga” ng dahil sa implasyon.
Apektado din ang mga nagpapautang! Ang babalik kasi sa kaniya ay mas mababa sa tunay nitong halaga kung ikukumpara dati nitong kayang mabili! Higit na problema kung ang inflation rate ay mas mataas kaysa itinakda nilang interest rate. Talo ang negosyo!
Paano tatalunin ang Implasyon?
Sa librong PISOBILITIES ni Francisco J. Colayco , ang annual average inflation rate sa ating bansa ay nasa 5.5%. Ibig sabihin ay 5.5% din ang nabawas sa kakayahang bumili (purchasing power) ng ating salapi. Para talunin ito ay kailangang tumaas ang ating kita ng higit sa 5.5%. Kung pantay ang pagtaas , atleast nakatabla tayo!
Kaya mahalagang mabantayan ang inflation rate.
Kung ikaw ay nagpapautang, dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng interest rate ang galaw ng implasyon.
Sa mga fixed income earner, dagdag sipag ito at paghahanap ng sideline para makabawi. Hindi maaaring iasa lang sa pagtaas ng sahod. Dahil kung tila bagyo sa pagbuhos ang implasyon ay tila ambon lang sa dalang ang pagtaas ng sahod.  Mahalagang usapin na makapagsimula ng kahit maliit na negosyo na maaaring panggalingan ng dagdag na kita!
Masuwerte ang mga may ipon dahil malaki ang oportunidad na talunin nila  ang implasyon. Iba na ang may ipon, may maipapamuhunan! Napakaraming investment instruments na pwede nilang lagakan ng kanilang ipon na lilikha ng passive income tulad ng mutual fund. Mga pamumuhunan na kung saan ay kikita ng mas mataas sa inflation rate ang inyong ipon kaysa simpleng ilagak ito sa savings account sa bangko. Kailangan lang na masusi nating pag-aralan ang mga ito at makapag-invest ng mas mataas sa  inflation rate ang kita. Maaari itong matutunan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro at pagdalo sa mga seminar hingil sa financial wellness.
Isa sa mga dapat basahin ay ang mga libro ni Francisco Colayco at pagdalo sa mga INVESTability seminars ng kaniyang foundation.
Kakayanin nating talunin ang implasyon! Kailangan lang ng tamang pamumuhunan!

Melchor V. Cayabyab is an educator, an entrepreneur, and a Financial Wellness Advocate of Colayco Foundation. He has been teaching economics for more than ten years now. He was awarded the “Most Outstanding Teacher of Manila” in 2003. As an entrepreneur, he is a successful distributor of different food supplements. Last year, he established “AHON SA KAHIRAPAN”, a micro-lending cooperative that aims to lend money with very low interests and at the same time help its members learn how to manage their finances properly.

Leave a Reply

Your email address will not be published.