Hindi nga ba kailangang mangutang ng mga mayayaman?
Isa ba ito sa mga dahilan kaya gusto mo yumaman? Totoong may mga mayayaman na hindi nangungutang. Pero sa katunayan, mas malakas mangutang ang karamihan sa mga mayayaman. Gaya ng ipinaliwanag ko sa Ikawalong Utos ng Pera Palaguin, maaaring palaguin ang yaman sa pamamagitan ng “Leverage” na tinatawag rin bilang “magandang uri ng utang.”
Kung lubog ka sa utang at hindi mo kayang magbayad, posibleng dinulot ito ng maling paghawak ng personal na pera. Kung sa tingin mo ay nagsimula ito sa isang gastos na dinulot ng hindi inaasahang pangyayari (o emergency), usisain ang dahilan na iyon. Matatawag ba talaga iyon bilang “hindi inaasahang pangyayari” o “emergency”? Kung pambayad ng tuition ang dahilan (gaya ng nangyayari sa marami), tandaan na ang tuition ay hindi maituturing bilang “hindi inaasahang pangyayari.” Pinag-iipunan mo ito dapat bilang bahagi ng buwanang budget.
Kung dulot ito ng health emergency, napaghandaan mo na iyon dapat kahit papaano sa pamamagitan ng isang uri ng medical health insurance.
Kung umutang ka dahil nawalan ka ng trabaho, tandaan nakapaghanda ka na dapat ng emergency fund na katumbas ng anim na buwan ng kita.
Kung umutang ka para bumili ng kotse o bahay at sa kalaunan ay natuklasan mo na hindi mo pala iyon kayang bayaran, ibig sabihin ay hindi mo inalisa nang husto ang iyong pinansiyal na kondisyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.
Nagdadala dapat ng pera sa iyong bulsa ang utang. Kung nagbabayad ka sa iyong mga loan, dapat lamang na nagdudulot ang mga loan na iyon ng karagdagang kongkretong pag-aari sa iyong kamay. Kung kakailanganin mong maglabas ng pera para bayaran ang iyong mga utang kahit na wala ka namang nakukuhang benepisyo bilang kapalit, ibig sabihin lang nito na nababawasan ang iyong ipon o ang iyong kasalukuyang kita para mabayaran ang mga bagay na binili mo. Karaniwang hindi maganda ang ganitong klaseng pangungutang. Kung napakayaman mo talaga, hindi masama na mabawasan ng kaunti ang limpak-limpak mong pera dahil sa maling uri ng pangungutang. Pero siyempre, hindi ganito ang kaso sa karamihan ng mga Pilipino.
Kung gusto mo talagang itigil ang maling uri ng pangungutang, kailangan mong panghawakan nang maigi ang iyong buhay pinansiyal. Ang unang hakbang ay bigyan ang sarili ng pinansiyal na edukasyon. Baka isipin ninyong gusto lamang nating ibenta ang mga libro at seminar ko. Pero sa katunayan, napakalaking tulong niyon. Libu-libo o higit pa ang nagpatotoo sa amin na malaki ang pagbabago sa kanilang buhay na idinulot ng tamang desisyon na pag-aralan ang buhay pinansiyal at ng kanilang determinasyon na isagawa ang kanilang mga natutunan
Hindi pa huli ang lahat kung gipit na ngayon sa utang. May mga paraan para makawala. Kailangan mong maglaan ng panahon, pagsisikap at kaunting pera para bigyan ang sarili ng pinansiyal na edukasyon. Hindi sapat na sumulat sa amin para lang humingi ng payo. Pitong libro na ang naisulat ko para lamang magbigay ng payo. Hindi sa iyo mabibigay ng isang maiksing email ang kumpletong payong kailangan mo.
Maging miyembro ng One Wealthy Nation para makatanggap ng marami pang materyal para lumawak ang iyong pinansiyal na kaalaman! Bisitahin ang www.onewealthynation.com para sa karagdagang detalye.