Tag Archives: Make money philippines

Ang Sakripisyo ng Kababaihan

ni: Francisco J. Colayco

unang lumabas sa Bulgar noong Marso 7, 2013

Natural sa mga kababaihan na mag-aruga na gaya ng isang ina sa kaniyang anak, pati na rin sa mga taong sa tingin niya’y nangangailangan ng suporta niya. Natutunan ng mga kababaihan ang ganitong ugali noong maliit pa lang siya, simula nang maglaro siya ng manika, at mag-alaga ng mga hayop.

 

Habang lumalaki siya, natututunan niyang kailangan pala ng pera para makuha ang mga kagustuhan niya sa mundo. Tinuruan siya ng kaniyang magulang tungkol sa kahalagahan ng pagsisikap, pagtitipid at pag-iipon. Pero, ayon sa aming karanasan, hindi ganoon kalalim ang itinuturo ng mga magulang dahil kalimitan, sila mismo ay hindi marunong mag-ipon at magpalago ng pera. Paano ngayon matututo ang bata? Sa kasamaang palad, hindi rin tinuturo sa paaralan kahit ang mga basikong patakaran ng mahusay na paghawak ng personal na pera.

Maraming mga bata ang may ideya tungkol sa pag-iipon, pero karaniwang nag-iipon lang sila para bumili ng isang bagay na gustung-gusto nila. Bilang mga estudyante, marami silang gustong bilhin pero kulang ang allowance at mga regalo na tinatanggap nila. Kaya naman, pagkatapos ng graduation at kumikita na sila, sabik silang gastusin ang kanilang mga ipon para sa mga bagay na matagal na nilang gusto. Ang masama pa niyan, natututo silang gumamit ng credit card at nakakalimutan nila agad na kailangan pa rin nilang bayaran nang buo ang credit card bill.

 

Sino ang tumutulong sa kanila? Karaniwang ang nanay ang tumutulong kung may mahanap siyang paraan. Siya ang “tagapagprotekta”, hindi ba? Kadalasan, siya ang gumagastos para lang makatulong. Nagagamit niya nang wala sa oras ang ipon na para talaga sana sa sarili niya at sa kaniyang pagreretiro.

Ngayong Buwan ng Kababaihan, gusto kong bigyan pansin na nangyayari ang ganoong sitwasyon sa mga kababaihan na sumusubaybay sa amin. Halimbawa, nahihilig kang bumili ng magarang laruan para sa anak o apo kahit na hindi iyon pasok sa budget. Napakarami pang ibang halimbawa. Kadalasan, nagsasakripisyo ka para sa iyong mga mahal sa buhay. Sa maraming beses, wala sa lugar ang pagsasakripisyo, lalo na kung naiisangtabi ang paghahanda mo sa pagreretiro. Baka iniisip mong may mag-aalaga sa iyo kapag tumatanda ka na. Hindi mo ba naisip na baka maunang yumao kaysa sa iyo ang asawa at/o mga anak mo? O baka naman wala silang kakayahang alagaan ka sa iyong pagtanda kahit na gustuhin man nila.

Napakahalagang tandaan at isagawa ang Pinakaunang “Utos” na ipinapayo ko sa mga handang makinig. Ang Unang Utos ay: “Bayaran mo muna ang sarili.” Ibig sabihin nito, susundin mo ang formula na: “Kita – Ipon =  Gastos.” Gumawa ka ng budget, pero ibawas at itabi mo na agad ang 20% bilang Ipon, at gastusin lamang kung ano ang matitira.

Sumali sa aming mga seminar sa www.colaycofoundation.com.  O tumawag sa 6373731 o 41

Benefits of Borrowing Money

Check out this guesting we had at Home Page.Mr. Armand Bengco, the Executive Director of Colayco Foundation, debunks the myths about debt, and enlightens the public on the benefits of debt.

Want to watch more videos on personal finance? Pisobilities.TV is your new hang-out for the best and latest videos on personal finance. Register now and give yourself an upgrade in your knowledge on personal finance. Visit www.pisobilities.tv for more info!

Fasting and Feasting

by: Art Ladaga

Yesterday, Catholics celebrated Ash Wednesday that marked the beginning of Lent. Lent is a season where people usually give up something as a form of recompense for their sins. Normally, this is done through fasting and abstinence.

The idea of sacrifice is very universal. One needs to give up something and promise to do something else.During this season, we present the things that you should FAST from and FEAST on. These apply not only in one’s personal finances, but in other aspects of life as well.

*Art Ladaga is the current Programs Development Officer of Colayco Foundation for Education.

Love at No Cost

IT’S VALENTINES DAY!

People would normally spend some peso to spend the day with their significant others. And yet, there are smarter ways on how to make the day more special, even without spending a single peso. So how do you do it? CHECK OUT THE INFOGRAPHIC BELOW!!!

Ipagmalaki ang Sariling Atin

ni: Francisco J. Colayco

*unang lumabas sa Bulgar noong ika-26 ng Enero, 2013

Artikulo ito na ibinahagi ni Armand Bengco, Executive Director ng Colayco Foundation.

“Napakaraming artikulo ang lumabas noong patapos na ang 2012 at marami ang nagsabi na lalo pang aangat ang ekonomiya. Pero ang nakatawag sa aking pansin ay ang artikulong “Filipinos have much to be proud of” (Maraming Pwedeng Ipagmalaki ang Pilipino) na isinulat ni Antonio Lopez, isang kolumnista ng ibang dyaryo.

Mula sa kaniyang artikulo, hindi maiiwasang pumasok sa isip na yumayaman na ang Pilipino? Narito ang ilang interesanteng mga estadistika na naghahambing ng Pilipinas sa 204 na bansa sa mundo.

  • Ang per capita na kinikita ng Pilipino noong 2001 ay US$ 1,146 at naging US$3,157 noong 2011
    • Lumalago ito ng 16% kada taon sa nagdaang 11 na taon
    • Ang US$3,157 na per kapita ay katumbas ng US$8.65 kada araw. Magandang balita na ito dahil ayon sa World Bank, kinokonsiderang “mahirap” ang taong nasa US$2 lang ang kita kada araw
  • Ang Pilipinas ang may ika-12 na pinakamalaking populasyon
  • Ang Pilipinas ika-34 na pinakamayamang bansa kung titingnan ang GDP na nagkakahalaga ng US$315 Bilyon

Ayon sa Inclusive Wealth Index ng United Nations, kailangan ring bigyang-pansin ang mga kapital na yaman ng bansa

  • Kapital sa Tao
    • 100 milyon Pilipino; mas malaki ng 20 beses kaysa sa Singapore (kung saan lumiliit ang populasyon)
    • 95% ng populasyon ang marunong magbasa
      • Marunong magsalita ang mga Pilipino ng Ingles, ang wika ng negosyo at ng internet; kahit hindi laging perpekto ang gramatika ng mga Pilipino, hindi mahihirapan ang mga dayuhan na gumala kahit saan
      • Sinasabing mahusay magtrabaho ang mga Pilipino at madaling turuan.
  • Natural na Kapital
  • Mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman gaya ng mineral, mga pambihirang bakal, natural na gas, lupa, at bakal at langis.
  • 2/3 ng Pilipinas ay tubig – isang nauubos at mahalagang yaman (ayon sa artikulo)
  • Nilikhang Kapital
  • Padala ng mga OFW
    • Mayroong 10 milyong OFW, o 10% ng populasyon; nagpapadala sila ng US$23 Bilyon sa isang taon bagama’t may pandaigdigang krisis.
  • Reserba ng Dolyar
    • Oktubre 2012 –  ang US$82 Bilyon na reserbang dolyar ng Pilipinas ay sobra-sobra para mabayaran ang inutang na US$62 mula sa mga dayuhan
  • Pera sa mga Bangko
    • Php5.04 trilyon ang nakadeposito sa mga bangko sa Pilipinas
    • Php 3.57 trilyon ang ipinautang ng mga bangko.
    • Php1.47 trilyon ang pwedeng ilagay sa mga instrumento na mas mataas ang kita.

Totoong abot-kamay na natin ang Pilipinas na tinutukoy sa artikulong “The Philippines: a Rich Country (in 2050)”. Tatlumpung-walong taon mula ngayon, ang mga anak natin at apo ay mabubuhay sa naiibang Pilipinas. Hindi natin kailangang maghintay ng matagal kung gagawin natin ang mga sumusunod:

-ipagpatuloy na gawin kung ano ang mabuti at tama

-itigil ang mga bagay na makakasama sa atin at sa ating bansa

-magsumikap na paunlarin ang sarili.

Maaabutan natin (lalo na’t humahaba ang buhay ng mga tao ngayon) ang Piliinas na hindi na tinatawag bilang “Ang Maysakit” sa Asya. Masasaksihan nating maging tunay na maunlad at masagana ang Pilipinas.”

Ang Mga Investments ay Kagamitan

ni: Francisco J. Colayco

*unang lumabas sa Bulgar noong ika-17 ng Enero, 2013

Gusto kong ibahagi sa inyo ang isinulat ni Guita Gopalan, ang Managing Director ng Colayco Foundation. Isinusulong ng aming team ang parehong mga prinsipyo pero mula sa ibang pananaw. Naniniwala akong makakatulong ang mga ito sa inyo.

“Ang mga Investments ay mga KAGAMITAN at gaya ng ibang mga kagamitan, kailangan mong matutunan kung paano ito gamitin.

Halimbawa, kung karpintero ka, kailangan mong matutunan kung paano gumamit ng martilyo at magtanggal ng pako. Dahil kung hindi, baka mapukpok mo ang sarili mo o makasakit ng ibang tao. Alam mo rin kung ano ang limitasyon ng isang martilyo, kaya nga hindi ka gagamit ng martilyo para maglagay ng mga screw dahil alam mong hindi iyon ang angkop na kagamitan.

Ganito rin pagdating sa mga investment instruments. Mga kagamitan ang mga ito na pwedeng pakinabangan depende sa iyong mga layunin. Tandaan na laging gumamit ng angkop na kagamitan!

 

5 Patakaran sa Paggamit ng mga Investment Instruments

#1 Ano ang gusto mong makamit? Espesipikong target? Gaano katagal mo balak mag-invest?Kailangan mo ng mga malinaw na layunin – magkano ang kailangan at kailan mo kailangan.

#2 Hugutin ang iyong mga investments depende sa iyong mga layunin at HINDI depende sa kalagayan ng investments mo.

#3 Pinakamahusay na sitwasyon kung makamit mo ang layunin sa takdang oras. Hugutin na ang mga investment kung kailangan mo na.

#4 Kung maaga mong naabot ang iyong minimitihing halaga, halimbawa sa loob lamang ng 8 taon imbes na 10 taon, mainam na hugutin ang investment. Hanggang sa dumating ang oras ng pangangailangan, ilagay muna sa savings account o time deposit ang pinaghirapang pera na napalago mo nang mahusay. O kaya, pwede rin i-invest muli ang buong halaga o ang ilang bahagi nito, depende na lamang kung kaya mong tanggapin ang panganib na dala ng pag-iinvest nito muli.   

#5 Kung umabot na ang itinakdang 10 taon pero hindi pa rin nakakamit ang halagang minimithi, kailangan mong magpasya kung itutuloy mo pa ang pag-invest o kaya’y huhugutin mo na kahit hindi pa nakakamit ang inaasahang halaga. Pero kung maingat kang investor, 1-2-3-4-5taon pa lang ang nakakaraan, nang makita mo pa lang na mukhang hindi makakamit ang minimithing halaga sa loobng 10 taon, nagawan mo na dapat ng paraan para makamit mo pa rin ang iyong layunin. Halimbawa, gumamit kang ibang investment, tinaasan mo ang iyongipon, at iba pa. (Tandaan na kagamitan ang mga investments! Minsan, kailangan mo ng maliit na martilyo para ilagay sa tamang puwesto ang isang pako. At saka ka na mangagamit ng malaking martilyo para ibaon nang husto ang pako.)

Abot-kamayang yaman kung maayos ang paghawak natin sa personal na pera at napapalago natin ito satulong ng mga kagamitan na pwede nating pakinabangan.”

*Sa ika-23 ng Enero, may webinar tungkol sa One Wealthy Nation, isang samahan ng mga nag-iipon at nag-iinvest na sama-samang natututo upang marating ang kalayaang pinansiyal. Kasama nito ay ang paglabas ng One Wealthy Nation Mutual Fund na pinanghahawakan ng First Metro Asset Management Inc., isa sa mga batikang mutual fund company sa bansa. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.onewealthynation.com!

Kapag Masyadong Maaga Binigay ang Mana

ni; Francisco J. Colayco

*unang lumabas sa Bulgar noong ika-10 ng Enero, 2013

Salamat sa pahintulot ng aming kaibigan na si Ms. Letty Jacinto-Lopez, isang kilalang kolumnista sa ibang pahayagan, maibabahagi ko sa iyo ang kaniyang artikulo. Babanggitin ko nang buo ang maraming bahagi ng kaniyang isinulat, dahil angkop iyon sa isa sa  mga prinsipyo na lagi naming itinuturo. Kailangang paghandaan ang iyong pagtanda para hindi umasa sa mga anak. Totoo na hangga’t maaari, dapat magplano para kapag yumao ka na, wala nang matitira sa iyo dahil nagastos mo na lahat o kaya naman ay naipamigay mo na ang mga pag-aari habang nabubuhay ka pa. Sa halimbawa na makukuha mula sa kuwento ni Ms. Letty, masyadong napaaga ang pagbibigay ng pera sa mga tagapagmana.

 

Tunghayan ang kuwento:

Sa ika-54 na anibersaryo ng kanilang pagsasama, nagdesisyon ang aking mga kaibigan na ipamigay na ang kabuuan ng kanilang mga ari-arian sa mga nabubuhay na tagapagmana. Sabi nila, “Para walang gulo.” Pero my dinagdag silang pakiusap: “Habang buhay pa kami, gamitin pa rin dapat ang kinikita ng mga ari-arian para sustentuhan ang aming kasalukuyang pamumuhay, kasama na ang mga medikal na gastos, paminsan-minsang biyahe, at pagshoshopping.

“Ok lang ito sa amin”, sabi ng mga tagapagmana. “Gagastusin na lang namin ang matitira matapos ikaltas ang mga gastos,” dagdag pa nila.         

Nagdaan ang isang taon nang walang problema pero hindi nagtagal, nag-iba rin ang ihip ng hangin. Naghanap ng paraan ang bawat anak para isarili ang pera at pagkaitan ang mga magulang. Dumating sa puntong kailangang magmakaawa ng mag-asawa para sustentuhan sila. Tinanggal sa kanila ang dignidad na pinagsumikapan nila bago magretiro.

Bakit nagkaganoon?  

“Maling desisyon,” sabi ng isang kaibigan na binalaan ang mag-asawa na huwag ipamana sa ganoong paraang ang mga pag-aari. “Hindi maaasahan ang mga anak kung mana ang pinag-uusapan.”

      Hindi nabibigyan ng tamang pagpapahalaga ang perang tinanggap lang nang hindi inaasahan, at hindi nila pinagsumikapan. Imbes na magpakita ng pagpapasalamat at responsableng paghawak ng mana, nangingibabaw ang kasakiman. Isa pang panganib ang kanya-kaniyang asawa ng mga tagapagmana. Kaya nilang impluwensiyahan ang mga tagapagmana para isawalang-bahala na parang trapo ang tuwid na pag-iisip at katapatan sa mga retiradong magulang. “Sweetheart, mamamatay rin naman sila, kaya bakit pa kilangang magsayang ng pera sa kanila?”  

Gaya ng natunghayan mo, akala ng mga kaibigan ni Ms. Letty na sinusunod nila ang prinsipyo na nagsasabing gastusin lahat ng pera habang nabubuhay. Pero kung hindi na ikaw ang may kontrol sa pera mo, hindi mo na iyon matatawag na pera para sa pagreretiro. Binahagi ni Ms. Letty kung ano sa tingin niya ang dapat gawin ng mga retirado. Ibabahagi ko ito sa inyo sa susunod na artikulo.

Sa Enero 23, may webinar tungkol sa One Wealthy Nation, isang samahan ng mga nag-iipon at nag-iinvest na sama-samang natututo upang marating ang kalayaang pinansiyal. Kasama nito ay ang paglabas ng One Wealthy Nation Mutual Fund na pinanghahawakan ng First Metro Asset Management Inc., isa sa mga batikang mutual fund company sa bansa. Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.onewealthynation.com!

 


Investing While You Sleep

by: Art Ladaga

Would you like to see your money grow significantly even while you sleep? Why not go into mutual funds!

Mutual funds are private institutions that pool funds from different investors and place it in various investments like stocks, bonds, and others. A professional fund manager supervises and handles the fund for the investors. Thus, you do not have to worry about how the fund is doing. Mutual funds are also affordable. For just P5000, you can already start investing.  And finally, it is diversified. Your money is not only placed in one particular investment. Rather, it is spread out to take advantage of greater returns and mitigate any risks!

 

For the year 2013, mutual funds performed fairly. A lot of events, both local and international, affected the performances of various mutual funds. Equity funds (invested in stocks) gave an average year to date return of -1.7% while bond funds (invested in bonds) gave 7.4%. Balanced funds (invests in both stocks and bonds) averaged around -1.7% and money market funds (invested in short term fixed-income instruments) averaged  0.72%.

 

2013 Performance of Mutual Funds

Despite the setbacks, mutual funds performed exceptionally well in the long run. Equity funds gave average annual returns of 9% per annum for the past three years and 23% per annum for the past five years. Bond funds, on the other hand, gave an average annual return of 8% per annum for both three and five year periods. Balanced funds gave a three-year average annual return of 8% per annum and 19% per annum for the past five years. Lastly, money market funds gave average annual returns of 1.41% per annum and 1.1% per annum for the past three and five years respectively. While the returns in mutual funds are NOT GUARANTEED, they are one of the best investments for long-term growth.

The share prices of mutual funds (called Net Asset Value per Share or NAVPS) were very low at the end of 2013. For the wise and long term investor, this posed new opportunities to invest more money to acquire more shares. The good news is that a new mutual fund called the One Wealthy Nation (OWN) Mutual Fund is soon to be launched! It’s a balanced mutual fund concentrating on dividend-earning equity shares and high fixed-income instruments that will help ordinary Filipinos grow their hard-earned wealth in the long run. It is managed by First Metro Asset and Management Inc., one of the leading mutual fund companies in the country.

The OWN Mutual Fund is an offshoot of the desire of Colayco Foundation to round up its goal of teaching all income-earning Filipinos save and grow their savings.  It starts with the One Wealthy Nation (OWN) Community also to be formally launched on January 23.

To know more about the OWN Community and OWN Mutual Fund, visit us at www.colaycofoundation.com and www.onewealthynation.com.

Join us in the ONE WEALTHY NATION COMMUNITY and learn all the options open to you including the OWN Mutual Fund!

 *Art Ladaga is the current Programs Development Officer of Colayco Foundation for Education

Paggawa ng Budget Para sa Pamilya (Pangawalang Bahagi)

ni: Francisco J. Colayco

Unang lumabas sa Disyembre 15, 2012

Makakatulong ang sistema ng paggawa ng budget na tinalakay natin sa nakaraang artikulo para mabayaran mo muna ang sarili mo at mamuhay nang pasok sa budget. Siguruhin na angkop ang budget mo sa iyong pamumuhay. Hindi dapat lalampas ang budget sa kita mo dahil mabibigo ka lang.

Marami na ang sumusunod sa patakaran na ‘Kita – Ipon= Gastos (o Income – Savings = Expense). Sa kasamaang palad, nakakalimutan nila na kailangang positive number ang gastos. Dahil kung negatibo ang halaga ng gastos, ibig sabihin noon ay gumagastos ka nang higit sa kakayahan mo.

 

Halimbawa, kung ang kita mo ay 100 at ang iyong ipon ay 10, hanggang 90 lang ang pwede mong gastusin (100 – 10 = 90). Tama ang budget mo.

Kung 85 lang ang nagastos mo mula sa nagastos mong budget (100 – 10 – 85 = 5), ibig sabihin nito’y pwede mo pang itabi bilang Ipon ang natirang 5. Sympre pwede mo ring gastusin ang 5 dahil talagang nakalaan na yan sa gastos pero mas mabuting dagdagan ang ipon kung kaya mo naman.

Kung nasa 110 ang mga Gastos mo, at siyempre may Ipon ka pang 10, magiging negatibo ang kinalabasang halaga. Tingnan mo ito: 100 – 10 – 110 =  -20. May mali sa budget mo. Paghiwalayin ang iyong mga “Pangangailangan” at “Luho” sa iyong budget. Sa ganitong paraan, malalaman mo agad kung aling “Luho” ang pwedeng liitan.

Huwag na huwag uutang para lamang tustusan ang negatibong balanse sa budget. Tuwing ginagamit ang credit card, masasabing wala kang cash na pambayad sa mga gastusin na iyon at nangungutang ka ng pera para tustusan ang mga regular na gastusin. Makakasama ito sa kalaunan dahil ang interes sa credit card ang pinakamataas sa lahat.

May mga nagtanong pa nga sa akin kung mabuti bang umutang at gamitin ang inutang na pera bilang Ipon. Ganito ang nangyayari kapag may nag-alok sa iyo na mag-invest sa isang bagay at naniniwala kang maganda doon ilagay ang ipon mo. Huwag matutuksong umutang para ipuhunan sa isang negosyo na hindi mo naiintindihan at hindi mo rin naman napag-aralan nang husto. Kailangan mong bayaran ang inutang mo, tumubo man o malugi ang negosyong pinasukan. Huwag matutukso sa malalaking kita na ipinapangako. Mag-ingat nang husto.

Ito ang ilan sa mga payo na makakatulong para maging matagumpay ang pagba-budget. Pero siyempre kailangan ng determinasyon at disiplina sa sarili.

–       Bantayan nang regular ang budget para mabago ito kung kinakailangan

–       Tandaan na nagkakaroon ng mga hindi inaasahang gastos gaya ng hindi inaasahang pagpapaayos ng bahay o sasakyan. Maging handa na bawasan ang mga luho para matustusan ang mga hindi inaasahang pangyayari.

–       Maglaan ng budget para bigyang gantimpala ang sarili. Halimbawa, kumain sa labas isa o dalawang beses sa isang buwan kapag matagumpay na nakamit ang budget.

Pasyalan ang www.colaycofoundation.com at maraming inaalok na pan-regalo sa Pasko.

Paggawa ng Budget Para sa Pamilya (Unang Bahagi)

ni: Francisco J. Colayco

Unang lumabas sa Bulgar noong Disyembre 15, 2012

Ngayong malapit na ang Bagong Taon, baka kailangang maging mas maingat ang pamilya pagdating sa budget at bantayan nang mas maigi ang kanilang mga gastos sa parating na taon. Kailangan ninyong patuloy na pagsumikapang makamit ang inyong mga layuning pinansiyal bilang isang pamilya, kaya naman mahalaga ang partisipasyon ng bawat miyembro ng pamilya. Isama sa usapan ang mga anak kung nasa wastong gulang na sila. Dahil kung hindi, hindi kayo magtatagumpay.

 

Dapat ginawa mo na ang iyong Statement of Asset and Liabilities and Net Worth (SALN) para malaman niyo kung nasaan na ka sa iyong buhay pinansiyal. Kung hindi pa, pwede mong tingnan ang aking mga libro o bumisita sa www.colaycofoundation.com para makatanggap ng patnubay.

 

Silipin natin uli kung ano dapat ang ginagawa ng mga pamilya para magkaroon ng magandang budget. Bilang unang hakbang, maglista ng mga layunin na pwedeng makamit sa maiksing panahon (short-term goals). Halimbawa, isang bakasyon o pagpapaayos ng bahay sa parating na taon.

Pagplanuhan na rin ang mga layunin para sa hinaharap (long-term goals) kahit gaano ka pa kabata!

Kung marunong kang gumamit ng computer, magiging mas madali ito para sa iyo. Maraming mga computer programs na makakatulong sa pagbabalanse ng checkbook, pagbabantay ng mga utang at investments para malaman mo ang iyong pinansiyal na kalagayan anumang oras mo gustuhin. Agad na maipapakita ng program kung pasok ka pa sa budget o hindi na.

Pero, gaya ng karaniwang computer programs, kailangang tiyagain ang paglalagay ng mga kailangang impormasyon. Kailangan dito ng oras at tiyaga. Matapos mo ilagay ang mga pangunahing impormasyon, kailangan pa rin ng disiplina para mailagay ang kinakailangang impormasyon. Parehong madali at mahirap na gamitin ang computer sa pagbabudget. Baka sa huli, gamitin mo pa rin ang nakasanayang mano-mano na paggawa ng budget.

Narito ang ilang hakbang na makakatulong. Laging mas maganda kung mayroong budget pang arawaraw pero posibleng masyado na itong matrabaho. Kung kaya baka mas madaling gawin ang budget na para sa isang lingo o buwan. Alamin kung magkano lahat ng kita na matatanggap ng pamilya.

Kung empleyado ka, ang cash na kita ang iyong take-home pay. Binabawas na dapat ng kumpanya mula sa iyong suweldo ang lahat ng taxes, SSS, Philhealth, insurance at iba pa. Magtungo sa iyong Personnel Department at unawain lahat ng mga deducations na ito. Kung sakaling wala kang tax deductions, alamin at tiyakin na laging mayroong buwis. Laging mas mainam kung mayroon ka ng SSS, Philhealth, Pag-ibig, at insurance. Magugulat ka kung gaanong kalaking tulong ang mga ito.

(Itutuloy)