Why were all the gains from 2013 January – May all wiped out in a span of three weeks. What are we to do, as investors?
Financial Markets Mid 2013 Report – Part 1
Financial Markets Mid 2013 Report – Part 2
Why were all the gains from 2013 January – May all wiped out in a span of three weeks. What are we to do, as investors?
Financial Markets Mid 2013 Report – Part 1
Financial Markets Mid 2013 Report – Part 2
The Colayco Foundation does not tire spreading the importance of financial literacy. With this in mind, we utilize various forms of media, one of which is on print publications. We are featured on various print publications, one of which is Cosmopolitan Magazine. We were featured in the December feature last year, but the financial lessons are still timeless.
Check out the picture below!
*Unang lumabas sa Bulgar, Hunyo 28, 2012
May ilan sa atin na totoong may pera para bilhin ang gusto nila pero ginagamit nila ang credit cards nila dahil “cool” iyon. Isa pa, may mga points silang nakukuha sa credit card na pwedeng i-redeem para makakuha ng mga nakakatuwang items. Mahusay! Pero kailangan lang siguruhin na isangtabi ang cash para bayaran ang credit card sa tamang petsa at hindi mahuhuli ang bayad. Problema kung makalimutan mo na ginamit mo pala ang credit card at magastos mo ang cash na nakikita mo sa pitaka mo. Kapag nagastos mo ang iyong cash, maghahagilap ka ng pera kapag malapit na ang due date. Ang masama pa, baka lagi mong ginagamit ang credit card mo at hindi mo binabantayan ang iyong mga gastos. Hindi mo mamamalayan na sobra-sobra na ang gastos mo.
Dumadami na ang gumagamit ng credit card para sa automatic na bayad ng mga utility bills, at iba pang buwanang bayarin. Hindi na binabayaran nang cash ang utility bills, at ang cash na naiiwan ay ginagamit sa ibang gastusin. Dahil dito, lumalaki ang panganib na hindi makontrol nang tama ang mga gastos. Magugulat ka na lang kapag dumating na ang credit card bill matapos ang ilang linggo. Kung hindi mo mabayaran ang credit card sa tamang petsa, malalagay ka sa pagkakautang sa credit card at kahindik-hindik ang penalties at interes nito. Mas mainam talaga na gumamit ng cash kung mayroong panganib na hindi mabayaran ang credit card sa tamang araw. Mas malala kung mawalan na ng kontrol sa paggamit ng credit card.
Kailangan mo ba talaga ng Bakasyon?
Mabuti ang pagbabakasyon at nakakatulong din na pasiglahin ang isip at katawan. Pero nakakatawang isipin na minsan, napakaraming ginagawa tuwing bakasyon kaya kailangan mo pa ng isa pang bakasyon para mawala ang pagod.
Mainam na planuhin ang bakasyon, lalo na kung titingnan mula sa aspekto ng pera. Sa kasamaang palad, minsan ginagamit ang bakasyon para takasan ang emosyunal na pasanin na dulot ng isang malaking problema. Dahil sa pagpapairal ng emosyon, nakakalimutan ang pinansiyal na epekto ng bakasyon at nagagamit nang husto ang credit card. Isa itong malaking pagkakamali.
Huwag na huwag gamitin ang credit card para sa isang bakasyon maliban na lang kung mayroon ka talagang cash na ipambabayad pagdating ng takdang petsa. Tuwing bakasyon, dalhin lang ang cash na nakabudget at iiwan sa bahay ang credit card para hindi ka matukso na gamitin ito. Kung kasama mo ang pamilya, siguruhin na alam at susundin ng bawat isa ang budget!
Nais mon bang paghandaan nang maigi ang iyong retirement? Sumali na sa ‘ming mga sa Hulyo 20, 2013: Pisobilities for Retirement at INVESTability: Mutual Funds. Bisitahin lang ang www.colaycofoundation.com para sa karagdagang detalye!
*unang lumabas sa Bulgar, Hunyo 21, 2012
Magsawalang-bahala na lang kaya!
Marami ang nagsasabing lalong nagiging mahirap ang buhay habang dumadaan ang panahon. Pero siyempre, marami ring magandang pagbabago ang nanaganap sa paligid natin. Pero nagbubulagbulagan ang ilan sa atin sa mga ito. Puro na lang problema ang nakikita nila sa ating bansa at sa daigdig.
Kahit noon pa man, nariyan na ang pesimismo sa mundo. Nagsimula ito sa ahas na siya mismong demonyo ng Hardin ng Eden. Nilinlang ng ahas si Eve na hindi sila magiging masaya kung hindi nila kakainin ang ipinagbabawal na prutas. Sa madaling sabi, nakumbinse sila ng ahas na magsaya habang pwede pa. At ito ang simula ng totoong kalungkutan.
Ngayon, napakaraming problema sa politika na hindi naaayos. Naglipana rin ang panlilinlang sa kalakalan ng mga bangko at pagpapautang. Parang hinihila pababa ng mga politiko ang ating bansa at ang mundo. Posibleng mawalan ng halaga ang ating pera sa hinaharap. Posibleng maglaho ang savings natin kung biglang magsara ang isang bangko. Posible ring mawala ang investment na nakalaan sa pag-aaral ng mga anak natin dahil sa isang stock market crash o dahil sa biglang pagbabago ng patakaran ng gobyerno. Kung ganito lang din naman… bakit pa tayo mag-aabala na mag-ipon at maghanda para sa kinabukasan? Mabuhay sa kasalukuyan. Pagkagastusan alin man ang gusto natin. Ipagsawalang-bahala natin ang kinabukasan.
Mali ang ganoong pag-iisip! Ganoon tumatakbo ang utak ng taong iresponsable. Kapag natutunan niya ang tama, saka niya malalaman na pagbabayaran niya lahat ng maling kagawian niya. Hindi maganda ang record niya sa mga bangko at credit card. Hindi aaprubahan ang car loans niya, home loan, at kahit anong uri ng loan. Magdudusa ang kaniyang kawawang pamilya, at mapipilitan ang kaniyang pamilya na doblehin ang kayod para kumita ng mas malaki.
Sa totoo lang, may ibang paraan. May nabasa ako tungkol sa isang tao na nagpasyang “bitiwan ang pera.” Nabubuhay siya sa pamamagitan ng mga tira-tira ng ibang tao. Namumulot siya ng mga bagay na pwede pa niyang pakinabangan. Nabubuhay siya para lang ipakita na pwede namang mabuhay kahit walang kahit anong materyal na bagay. Sa madaling salita, isa siyang pulubi.
Kung ayaw natin maging pulubi, kailangan nating tingnan ang ating bansa at ang buong mundo bilang isang kalahating baso na malapit nang mapuno, at hindi isang baso na kalahati na lang ay mauubos na. Parehong kalahati lang ang laman ng baso, pero nagkakaiba lang ng pananaw kung mapupuno ba ito o mauubos na. Ang totoo, napakaraming oportunidad sa ating paligid at balang-araw, may kukuha sa oportunidad na ito. Kapag optimistiko tayo, hahanap tayo ng paraan para paunlarin ang ating buhay. At habang pinapaunlad natin ang ating buhay, nakakatulong tayo sa ating maliit na paraan para lalong mapaunlad ang ating bansa.
Kung napagpasyahan mong maniwala na uunlad ang buhay, siguruhin na hindi ka magkakaroon ng malaki at walang silbing utang. Sundin din ang prinsipyo ng pag-iipon at pagpapalago ng iyong yaman.
(itutuloy)
* Unang lumabas sa Bulgar, Hunyo 16, 2012
Ang pagiging “spoiled brat” ang ikatlong kagawian na posibleng magdulot ng mga utang na hindi naman kailangan.
Hindi ako psychologist pero tinitingnan ko lang ang mga praktikal na sitwasyon. Tingnan ang reaksyon ng mga bata habang sila’y lumalaki. Sa simula, kailangan nilang makuha ang kailangan nila sa panahong kailangan nila. Hindi hihinto ang gutom na sanggol sa pag-iyak hangga’t hindi ito pinapakain. Habang lumalaki ang sanggol, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya; parang isip-sarili ang ganitong pag-uugali at tinatawag lang natin itong “asal-bata”. Tungkulin ng mga magulang na turuan ang bata na hindi pwedeng lagi na lang niyang makukuha lahat ng gusto niya, lalo na kung ang gusto niya ay hindi nakabubuti sa kaniya o sa mga tao sa paligid. Ang batang walang disiplina ay tinatawag na “spoiled brat”. Sa kasamaang palad, maraming bata ang tumatanda nang hindi natututunan ang disiplina at pasensya. Kahit matanda na, gusto pa rin nilang makuha agad lahat ng gusto nila. Patuloy silang nag-aasal-bata, patuloy silang nagiging “spoiled brats”.
Ang mga matatandang spoiled brats ay asal-bata rin pagdating sa kanilang paghawak ng pera at paggastos. Nagiging shopaholic ang ilan. Iniisip ng isang shopaholic na kailangan niyang magshopping upang maging masaya. Mabuti sana kung napakayaman niya at kaya niyang magshopping nang magshopping. Pero para sa karamihan, nagdudulot ang sobrang pagshoshoping ng kakulangan ng pera at mas masama pa… utang sa credit card. Katulad ng isang alkoholiko, may mga pagkakataon na maiisip niyang parang hinuhukay na niya ang sariling libingan, pero mahihirapan na siyang pigilan ang paghuhukay. Kailangan talaga niyang magbago. Dapat niyang maintindihan na hindi siya kayang pasayahin ng pagshoshopping dahil nagdudulot na ito ng napakaraming problema. Sinumang kinukulang sa pera o kaya’y may utang sa credit card ay hindi magiging masaya. Napakaraming tao ang hahabol sa kaniya para maningil. May tao bang pwedeng maging masaya kung alam niyang napakaraming tao ang naghahabol sa kaniya para maningil?
Kailangang maghanap ang shopaholic ng ibang paraan para maging masaya. Kahit na kailanganin niyang kumonsulta sa isang psychiatrist, dapat niyang gawin ito agad bago siya magdulot ng napakalaking problema para sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya. Kung hindi, matutunan niya ang kaniyang leksyon sa mahirap na paraan. Karaniwan, nagiging miserable ang buhay ang shopaholic na may limitadong budget dahil tutugisin siya ng mga credit card companies. Mapipilitan siyang bayaran ang mga bagay na hindi na kapakipakinabang at ang masama pa riyan, wala na siyang per o credit para magshopping.
Sumali sa aming mga seminars. Para sa detalye, pasyalan ang www.colaycofoundation.com o tumawag sa 6373731 o 6373741.
(Itutuloy)
*Unang lumabas sa Bulgar, noong Hunyo 14, 2012
Ang mga tukso na hindi naaayon sa iyong pinansiyal na layunin ay isa pang kagawian na posibleng magdulot ng utang. Tandaan na lagi kong pinapayo na gumawa ng Statement of Assets and Liabilities (SAL) para malaman nang eksakto kung nasaan ka ngayon sa iyong buhay pinansiyal. Lalo ninyong mas maunawaan ang kahalagahan ng SAL kung sabihin ko sa inyong pareho lang ito sa SALN (Statement of Assets, Liabilities and Net Worth) na laging nababanggit noong impeachment hearings ni Chief Justice Corona.
Kailangan mo ring gumawa ng Budget Forecast na nagpapakita ng iyong kita, ipon, at gastos (Income – Savings = Expenses). Kapag alam mo na ang iyong Budget, at iyong SAL, pwede mo nang gawin ang iyong Personal Financial Plan na siyang nagsasabi kung magkano ang perang kailangan mong makamit sa isang espesipikong panahon sa hinaharap. Kasama rin dapat sa iyong plano kung paano mo ii-invest ang iyong savings para lumago ang iyong SAL. Kapag regular mong ginawa ang iyong SAL nang hindi bababa sa 2 beses kada taon, maiintindihan mo kung lumalago ba ang iyong kayamanan o hindi.
Napakaraming tukso na magiging dahilan para makalimutan mo ang iyong mga layuning pinansiyal. Karamihan sa mga tuksong ito ay galing sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay na hindi nagplaplano para sa kanilang pinansiyal na kinabukasan. O kaya naman, mas malaki ang kita nila kaysa sa iyo kaya kumpara sa iyo, mas malaki ang ang natitira nilang pera para sa mga regular na gastusin.
Ang binyag ay isa pang halimbawa kung saan nagkakaiba ang pananaw ng mga tao. May ilang nagsasabi na dapat malaking pagdiriwang ang binyag dahil isang beses lang ito nangyayari sa buhay ng binibinyagan. Mas ipinagdidiwang ito lalo na para sa panganay na anak. Kapag nagpasya kayo ng malaking pagdiriwang, magbibigay ng suhestiyon ang mga kamag-anak at kaibigan tungkol sa espesyal na damit pang binyag, lugar na paggaganapan, at iba pa. May kaakibat na gastos ang lahat ng ito, at makakabawas pa sa ipon mo. Hindi man lang mag-eenjoy o malalaman ng iyong baby kung ano ang nangyayari, baka nga hindi pa siya maging kumportable sa kaguluhan. Imbes na gumastos nang malaki sa binyag, ang perang matitipid ay pwedeng gamitin na lamang para magbukas ng savings plan para sa inyong anak. Mas mag-eenjoy pa siya dito sa panahanong kailangan niya ito.
Pipillin ng mga taong may disiplinadong pananaw ang isang simple at tahimik na binyag. Hindi kailangang sumunod sa gusto ng mga kamag-anak at kaibigan. Kahit na magbigay sila ng pera para sa binyag, pwede mo na lang itabi ang pera bilang ipon para sa bata. Pero siyempre, baka hindi sila magbigay ng kontribusyon kung walang pagdiriwang. Kung gayon, ikumpara kung magkano ang pagkakaiba ng isang simpleng pagdiriwang laban sa malaking pagdiriwang. Sapat ba o higit pa ang kontribusyon ng mga kakilala para bayaran ang diperensyang ito? Siguro kung tiyak ka na sapat o higit pa ang kontribusyon para pondohan ang karagdagang gastusin ng isang malaking handaan, hindi ka nila matutukso na gumastos nang higit sa iyong budget.
Sumali sa aming mga seminars. Para sa detalye, pasyalan ang www.colaycofoundation.com o tumawag sa 6373731 o 6373741
(Itutuloy)
Unang lumabas sa Bulgar noong ika-9 ng Hunyo, 2012
Maraming tao ang gumagastos sa paraang nagdudulot ng utang. Ibabahagi ko sa inyo ang ilang kagawian sa paggastos na nagiging dahilan kaya nagkukulang sa cash ang mga tao at napipilitan silang mamuhay sa credit card o kaya’y mabaon sa utang sa credit card. Sa pag-analisa sa mga kagawiang ito, bibigyang-diin ang mga prinsipyo na matagal ko nang ibinabahagi sa mga nagdaang taon. Basahin ang mga sumusunod at isipin kung paano iwasan ang mga ito.
1.) Bonus – Sabihin nating nakatanggap ka ng bonus na P10,000.00 Ano ang gagawin mo dito? Maraming tao ang hindi lamang ito uubusin. Sa totoo lang, gagamitin pa nila ito bilang downpayment para sa isang mahal na bagay. Sa kasamaang palad, kadalasan ay higit pa sa kanilang budget ang installment ng bagay na iyon. Karaniwan, sapat lamang dapat sa regular na gastos ang iyong budget . Hindi dapat magdagdag sa iyong regular na gastos kung wala namang permanenteng dagdag sa iyong kita. Hindi regular na kita ang bonus. Pagkatapos mo ito tanggapin, wala nang parating sa hinarap.
Kung gagawa ka ng budget para sa iyong regular na kita at gastusin, lalong dapat na pagplanuhan kung paano gagamitin ang bonus. Tandaan ang unang prinsipyo na Bayaran Muna ang Sarili (“Pay Yourself First”). Hinihikayat ko kayo na sundin ang formula, Kita bawas Ipon = Gastos (“Income minus Savings = Expenses”). Ang bonus ay income din kaya dapat pa ring sundin ang formula. Itabi ang 10-20% ng bonus bilang savings.
Pwede mo ring gamitin ang kaunting bahagi ng bonus para malibang ang iyong sarili at pamilya. Pero siguruhin na hindi ito masyadong mahal at angkop sa antas ng iyong kita.
Kausapin ang iyong asawa at/o pamilya tungkol sa bonus. Ano ang mga priyoridad ninyo na dapat pagtuunan ng pansin para masulit ang bonus? Dahil limitado lang ang halagang ito, huwag magkakamaling isipin na pwede niyong gamitin sa isang uri ng gastos na posibleng humigit pa kaysa sa kaya ninyo. Baka mas makabuti kung gamitin na lang iyon sa mga regular na gastusin, o kaya’y ilagay iyon lahat sa savings.
Ang bonus lamang ang karagdagan income na matatanggap mo. Maliban na lamang kung makakuha ka ng salary increase, wala kang karagdagang pera na ipambabayad sa mga regular na installment payments. Huwag kailanmang bumili ng mga bagay na may regular na installment payments na hindi mo kayang panindigan.
(itutuloy)
Today, we celebrate Independence Day. For once a year, we remember the numerous sacrifices of many Filipinos who dared to do something significant to liberate this country from foreign power. The Social Studies books in schools are not enough to describe the heroism displayed by many Filipinos who fought for this land. And yet, many Filipinos today have taken this day for granted.
Many things in life have a cost. Even the freedom we’re experiencing right now had a cost- the blood and sacrifices of many Filipinos! Today, let’s honor and remember the people (known and unknown) who dared to make a difference to free this country. Without them, we will still remain under the shackles of foreign tyranny!
* Unang lumabas sa Bulgar, ika-7 ng Hunyo, 2012.
Bilang pagpapatuloy ng nakaraang artikulo, gusto kong ibahagi sa inyo kung paanong kinukumpirma ni PNoy ang mga obserbasyon ni Mr. Pilling. Ayon kay P-Noy, “Noong nakaraang dalawang taon, sino ang nag-akala na may magkakainteres pala sa mga peso-denominated bonds, at hindi lamang yan, magiging doble pa pala kaysa sa inaasahan ang interesadong bumili niyon? Sino ang nag-akala na hindi na kakailanganin ngayon magbigay ng naglalakihang insentibo para hikayatin ang mga kumpanya, negosyante at investor na makipagtunggali sa isa’t-isa para makalahok sa ating mga proyekto? Sino ang nag-akala noon na isang taon na lamang ang bibilangin mula ngayon para tayo’y maging exporter ng bigas, siyempre maliban na lamang kung hindi maganda ang panahon?…”
“… Gaya ng makikita sa ating karanasan, kapag inalis ang kurapsyon, nagiging kaaya-aya ang kalagayan ng ekonomiya: isang ekonomiya na hindi lang nakakaakit ng mga investor, kung hindi ay nakakatulong rin sa pinakamaraming bilang ng mamamayan. Ngayong natanggal na natin ang baluktot na pulitikal na impluwensya na dating nakaugat sa ating social welfare programs, alam nating ang higit sa 3 milyong sambahayan na tumatanggap ng conditional cash transfer ay talagang ang pinakamahihirap na pamilya, at hindi mga pamilyang may kuneksyon lamang. Ngayon, alam nating tinataguyod natin ang 5.2 milyon na pinakamahihirap na pamilya sa pamamagitan ng Philhealth program – ang ating health insurance program.
“…Ito ang unang pagkakataon na naglaan ang gobyerno ng ganoon kalaking halaga para pagaanin ang buhay ng labis na naghihirap, at nagsusumikap rin tayong magbigay ng trabaho sa mga mamamayan. Ayon sa aming pagsasaliksik, mayroong tatlong sektor na may pinakamalaking epekto tungo sa pag-unlad ng bansa at ng nakararami: Agrikultura, Turismo, at Imprastraktura. Nakatanggap ang agrikultura ang dagdag na 51.3% na budget sa taong ito. Puspusan din naming sinusulong ang kampanyang “It’s More Fun in the Philippines”, pati na rin ang mas pinaluwang na patakarang panghimpapawid upang mas mapadali ang transportasyon sa bansa para sa ikabubuti ng turismo. Bukod pa sa mga nabanggit kong pagpapaganda ng ating imprastruktura, nakatakda tayong magsagawa ng 10 Publi-Private Partnership projects sa taong ito. Kasama dito ang pagpapatayo ng mga paaralan, at pagpapalawak ng sakop ng ating mga tren.”
“Dahil sa magandang pamamahala, nagiging posible ang pag-unlad ng nakararami. Ang pagiging matatag sa ating mga prinsipyo, pamumuno sa pamamagitan ng magandang halimbawa, at pagbibigay senyales na hindi kukunsintihin ang korupsyon – nagbibigay ito ng kumpiyansa sa ating bansa. Tapos na ang mga araw kung kelan ang binibigay ninyong pondo ( pondo mula sa ADB) ay tumatagas lang gaya ng tubig sa butas na timba. Patuloy kayong makakakita ng resulta; patuloy ninyong makikita ang Pilipinas bilang bansa na sa wakas ay umuunlad upang makamit ang tunay nitong potensyal. Handa kaming tutukan ang aming mga pangako, at kayo ay inaanyayahan na tingnan kung tumutupad kami sa aming salita…”
Base sa mga impormasyong nabanggit na sinasang-ayunan naman ng maraming negosyante, personal ko pa ring pinipili ang Pilipinas kaysa sa ibang bansa para sa aking mga investments. Mas gusto kong manatili sa mga propesyunal na fund manager kaysa sa gumawa ng personal na analisis dahil wala akong oras na sundan at pag-aralan ang merkado. Magandang opsyon ang mga mahuhusay na mutual fund, pati na rin ang ating KskCoop (www.kskcoop.com).
Pero isang babala: gaya ng lahat ng investment, walang garantisado. Dapat unawain ang inyong personal na sitwasyong pinansiyal at alamin ang panganib at limit ng inyong investment.
ni: Francisco J. Colayco
*Unang lumabas sa Bulgar, ika- 2 ng Hunyo, 2012
Sa isang TV guesting kasama si Sharon Cuneta kamakailan lang, tinanong niya ako nang diretso.. “Bakit laganap ang matinding kahirapan sa Pilipinas?” Kung iisipin nga naman, nakakapagtaka talaga na nananatiling mahirap ang isang bansa na nag-uumapaw sa likas na yaman at puno ng makapagkalinga at talentadong mamamayan. Ang nakakalungkot na sagot dito ay nakalimutan na ata kasi natin ang ating “pagiging isang bayan”. Sinasabi pa nga ng iba na hindi sapat ang pagmamahal natin sa ating bansa. Sa mga nagdaang dekada, namayani ang pansariling interes kaysa sa ikabubuti ng nakararami at ng buong bansa. Ebidensya nito ang laganap na kurapsyon. Kinulimbat ng iilan ang yaman ng bansa.
Panahon na upang mahalin ulit natin ang ating bansa. At mukhang sa ilalim ng halimbawa ng “Matuwid na Bansa”, mukhang nagsisimula na tayong bumalik sa tamang landas.
Habang ipinagdidiwang natin ngayon ang ika-114 na taon ng Kalayaan ng Pilipinas, gusto kong ibahagi sa inyo ang ilang bahagi ng artikulo ni David Pilling na inilathala sa Financial Times noong ika-25 ng April 2012, at ng ilang bahagi rin ng talumpati ni P-Noy noong ika-4 ng Mayo 2012 sa Pambungad na Seremonya ng ika-45 na Taunang Pulong ng Asian Development Bank (ADB Board of Governance). Positibo ang sinasabi ni Mr. Pillings at Pnoy, hindi gaya ng naririnig natin sa mga nakaraang panahon.
Malayo-layo na rin ang ating narating at marami nang nangyayaring magandang pagbabago, at positibo ang ating pananaw sa mga investments. Ito ang aking ipinupunto. Kung hindi mo pa sinisimulan ang pag-iipon, baka mapag-iwanan ka at hindi ka makakasabay sa nagaganap na pag-unlad. Siyempre, walang garantiya pero laging mas nakakagaan sa loob ang magandang opinyon kaysa sa masamang opinyon. At isa pa, hindi ko sinasabing ilagay niyo sa isang investment lang ang lahat ng inyong ipon. Laging ikalat ang panganib (spread your risks). Pero, gaya ng lagi kong sinasabi, ilagay ang 10-20% ng kita sa mga investment at sundin ang formula na ito: Income – Savings = Expenses.
Sabi ni Mr. Pilling, “Magkano ang utang ng Pilipinas – ang bansang laging napag-iiwanan ang ekonomiya – sa International Monetary Fund? Ang sagot ay wala. Matapos ang ilang taon ng pangungutang, nagpapautang na ngayon ang Manila sa IMF… nakakabangon na ata ang Pilipinas sa wakas. Masyado pang maaga para makasiguro. Pero may mga matibay na ebidensyang ang bansang ito – na may batang populasyon nang halos 100 million, ang ika-12 na pinamalaking populasyon sa daigdig – ay umuunlad na. May matatag na pahiwatig ang gobyerno na hindi nila kukunsintihin ang kurapsyon. May mga naitatag na public-private partnerships para gumawa ng kalsada, riles, at planta ng kuryente na kinakailangan ng lumalagong populasyon. Medyo mabagal ang pag-unlad pero ginagalang ang legal na rehime sa bansa. Maraming ekonomista ang nagsasabing magkakaroon ng private investment boom dahil sa kaakit-akit na demograpikong sitwasyon ng bansa – kalahati ng mga Pilipino ay mas bata kaysa sa 25 taong gulang, at ang Pilipinas ang may pinakamatatag na mga bangko sa buong Timog-Silangang Asya…”
(Itutuloy)