Tag Archives: gusto kong yumaman

Paggastos ng Passive Income vs Compounding

ni: Francisco J. Colayco

*Unang lumabas sa Bulgar noong Nobyembre 24, 2012

Tanong sa akin:  Ano ang epekto kapag ginastos ang passive income imbes na hayaan lang iyon na lumago?

Kahangahanga na nagtatanong ka tungkol sa paggastos ng passive income. Ibig sabihin nito, mayroon kang passive income dahil ini-invest mo ang mga savings mo. Ang pag-iinvest ng iyong ipon ang pinakamainam na paraan para palaguin ang iyong yaman basta lamang pinipili mo ang mga tamang investment.

Gaya ng alam mo, pwede mong gastusin ang kinikita mo mula sa iyong mga investment. Ito ang prinsipyo na susundin: gamitin ang active income – ang kita na galing sa dugo’t pawis –  para sa mga pangangailangan o needs. Samantalang para sa mga luho o wants, ang pwede lang gamitin ay passive income Pinalago mo ang iyong pera at may karapatan kang gastusin iyon kung gugustuhin mo. Pero kung hahayaan mo lang lumago pa lalo ang iyong passive income o kahit ang ilang bahagi nito, mas mabilis mong makakamit ang inaasam na yaman.

Kapag hindi mo ginagalaw ang passive income at hinahayaan mo lang itong lumago rin gaya ng prinsipal na halaga, napapakinabangan mo ang “compounding”. Kaya naman bukod sa tubo na nagmumula sa prinsipal na halagang na-invest mo, tutubo rin mismo pati ang kinita mo mula sa prinsipal… at patuloy na ganito ang mangyayari. Napakabilis ng paglago ng kita kapag napapakinabangan ang “compounding”.

Mas madali mangyari ang compounding ng iyong passive income kapag pinili mo ang isang investment kung saan automatic na ang compounding. Kung ikaw ang magdedesisyon kung gagalawin ang passive income o hindi, matutukso kang gastusin iyon o baka hindi mo na alam kung saan iyon dapat iinvest uli. O kaya naman, baka makalimutan mo iyong i-invest uli dahil abala ka sa ibang bagay.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang mutual funds para sa investment. Kapag nag-invest ka sa isang mahusay na mutual fund at iniwan mo lang doon ang pera mo, automatic na itong magcocompound para sa iyo.

Kung gagastusin mo ang iyong passive income, iyon na ang katapusan ng perang iyon! Hindi na iyon lalago. Mas nakakalungkot kung gamitin mo ang passive income sa mga luho na hindi naman talaga mahalaga sa iyo. Siguruhin na talagang makakapagpasaya sa iyo ang luho na paggagamitan ng passive income para naman hindi iyon masayang nang lubos.

Bumisita sa ang aming website www.colaycofoundation.com para sa aming mga seminar. Tingnan ang aming mga handog na pwedeng iregalo sa pamilya at mga kaibigan.

 

Ano ang Liabilities?

ni: Francisco J. Colayco

*Unang lumabas sa Bulgar noong Nobyembre 22,2012

Itinanong ito sa akin ng  isang tagasubaybay: “Hanggang magkano lang dapat ang mga utang ko?”

Gusto mong malaman kung hanggang magkano ang pwede mong utangin. Bago pa man ang lahat, dapat naiintindihan mong nagdudulot ang utang ng obligasyon na magbayad ka ngayon at sa hinaharap. Kung kaya, huwag na huwag mangungutang kung wala kang tiyak na mapagkukunan ng bayad.

Dahil hindi ko alam ang iyong Statement of Assets and Liabilities (SALN), magbibigay na lamang ako ng ilang paalala tungkol sa utang. Pero talagang kailangan mo pa ring gumawa ng SALN, kung hindi mo pa ito nagagawa.

Posibleng may iba pang uri ng utang na nagagamit mo o kaya’y kailangan mo, depende sa sitwasyon mo. Pero ito ang mga karaniwang uri ng utang na makabuluhan sa iyo:

1.      “Lista” – kung suki ka ng isang tindahan at may bibilhin ka pero wala kang dalang pera, makukuha mo pa rin ang paninda pero “ililista” ito ng tindera. “Lista” rin ang tawag sa mga utang mula sa mga kakilala na babayaran sa loob ng maiksing panahon.

2.      Installment loans (karaniwang para sa mga appliances at kooperatibang nagpapautang)

3.      Utang para sa bahay or sa pagpapa-ayos nito (karaniwang galing sa Pag-ibig o mga pinansiyal na institusyon)

4.      Utang sa Kotse (posibleng galing sa isang pinansiyal na institusyon o sa sarili mong kumpanya)

5.      Credit Card (hindi ito magandang utang at dapat itong iwasan kasi ang interes nito ang pinakamataas sa lahat)

Mahahati ang utang sa dalawang uri: iyong mga utang na kailangang bayaran nang buo sa isang espesipikong petsa o iyong mga utang na installment na dapat bayaran nang ilang ulit sa hinaharap ayon sa kasunduan.

Iba ang uri ng utang para sa kumpanya o negosyo. Nakabase ang mga utang na ito depende sa kakayahan ng negosyo na magbayad. Hindi nagpapautang ang mga pinansiyal na institusyon nang hindi pinag-aaralan ang kakayahan ng kumpanya, kung saan gagamitin ang utang, at paano babayaran ng kumpanya ang utang sa takdang panahon.

Bilang patakaran, mainam na ikonsidera ang bawat personal loan na parang company loan. Isipin ang sarili bilang isang kumpanya. Suriin kung bakit ka mangungutang  at umutang lang ng halagang kaya mong bayaran nang hindi naabala ang iyong mga pang-araw-araw na gastusin. Siyempre, para malaman kung hanggang magkano ang kaya mong ipambayad sa utang, kailangan mong gumawa ng budget.

Kailangan mo pa ring sundin ang patakaran na: Income – Savings = Gastos (o Income – Savings = Expenses).

Kung ang iyong utang ay para sa bahay o kotse, posibleng ikonsidera ang buong halaga o ang bahagi ng installment bilang bahagi ng iyong “Saving”. Pansinin na sinabi kong posibleng ang ilang bahaging lang ng ibinabayad sa housing loan ang maituturing na investment. Dahil kung sakaling tumaas ang halaga ng bahay sa hinaharap, maituturing mong investment ang perang ibinayad mo sa installment. Siguruhing may karapatan kang ibenta ang bahay ayon sa titulo ng bahay. Pag-aralan ito nang mabuti. Dahil kung hindi, ang house installment mo ay para lang gastusin gaya ng pambayad sa renta.

Sumali sa aming mga seminar at tingnan ang aming mga pampaskong handog sa www.colaycofoundation.com. Sa pamamagitan ng CFE, matutulungan ninyo ang inyong mga kamag-anak at kaibigan na magkaroon ng edukasyon tungkol sa tamang paghawak ng pera.

Ano ba ang Assets?

ni: Francisco J. Colayco

*Unang lumabas sa Bulgar noong Nobyembre 15, 2012

“May tanong po ako. Simula noong una akong nag-email sa inyo, sinimulan kong basahin ang inyong mga blog at Youtube videos. Nalaman kong ang pinakapundasyon ay ang Sampung Utos at ito ang nilalaman ng unang libro ninyo. Pakitama na lamang po kung nagkakamali ako, pero sa pagkakaintindi ko, ang assets ay ang “insurance at investments.” Kailangan nating palaguin ang mga assets na ito.

Hindi na ako masyadong nalilito ngayon. Ang punto ng lahat ng ito ay mag-ipon at mamuhunan.

Ano pa ang maituturing na assets?”

Sagot:

Maraming klase ng asset na hindi pampinansiyal. Halimbawa, ang koneksiyon sa Maykapal ay isang napakalaking asset dahil nagkakaloob ito sa atin ng mas masaya at mas mapayapang buhay. Maituturing din na asset ang kalusugan at kagandahan ng pisikal na anyo.

Pero dapat maging malinaw sa iyo na pinansiyal na asset ang pinag-uusapan natin dito. Nakakatulong ang asset na mapalago ang kayamanan. Nagbibigay ng pera sa ating bulsa ang mga asset. Hindi maituturing na asset ang anumang hindi nagdudulot o magdudulot ng pera. Kung nalilito, laging balikan ang simpleng depinisiyon na ito.May mga bagay na inaakala nating asset pero hindi naman pala.

Gawin nating halimbawa ang insurance coverage. Depende sa pakinabang nito sa kasalukuyan o kinabukasan, posibleng maging asset ang insurance pero posible rin namang hindi. Sabihin na nating mayroon kang normal na life insurance. Kung ang premium ay nabayaran sa tamang oras, aktibo ang iyong insurance at may matatanggap ang iyong mga mahal sa buhay kung pumanaw ka na. Sa puntong ito, maituturing na asset ang insurance na ito kahit hindi ito nagdadala ng pera ngayon. Pero kung tutuusin, pwedeng sabihin na nababawasan ka ng pera dahil sa pagbabayad ng premium.

Ito ang dahilan kung bakit dapat analisahin ang sitwasyon. Bakit mo binili ang insurance? Hindi ba’t para makatanggap ng pera ang iyong mga mahal sa buhay (beneficiaries) kapag wala ka na? Ibig sabihin, ikaw ang tumutustos sa iyong mga mahal sa buhay kaya magkakaroon sila ng malaking problema kung wala ka na. Kung hindi naman sila umaasa sa kita mo, hindi ko makita ang punto kung bakit ka bumili ng insurance para sa kanilang kapakanan.Sa madaling salita, sa ganitong kaso, hindi maituturing na asset ang insurance. Ibang kaso naman siyempre kung may insurance ka bilang pagsunod sa patakaran ng iyong employer o ng bangkong inutangan mo. Sa ganiyang sitwasyon, maituturing na asset ang insurance.

Sa sandaling huminto ka sa pagbabayad ng premium ng life insurance, kailangan mong malaman kung may halaga pang natitira sa insurance o talagang wala na. Basahin nang mabuti ang insurance document. Ang asset mo sa insurance ay nakadepende sa halagang natitira.

Para sa karagdagang impormasyon, basahin at pag-aralan ang aking mga libro at ang aming website (www.colaycofoundation.com ) at tingnan ang aming seminars.

 

In the Midst of the Rubble

by: Art Ladaga

A week ago, super typhoon Yolanda ravaged many parts of the country. Homes and other structures were reduced to rubble. Many lives were lost, washed away by the colossal floods brought about by the continuous rain. And survivors were left with almost nothing, struggling to ask for help in numerous kinds. Thankfully, various donations kept pouring in from the local and international community even now.

As the relief operations continue, a lot if issues and perspectives have surfaced. From the Filipino’s resiliency up to the country’s typhoon mitigation system, a lot of people have raised their thoughts on the event. But if one were to really assess the situation, what can on really obtain from such an experience?

Mr. Armand Bengco, Executive Director of the Colayco Foundation for Education, identified three major lessons from the typhoon:

1.       Calamities will come.Natural disasters will always be there. Even with sophisticated equipment, predicting the weather only serves to warn of impending danger. Thus, it’s necessary to be ready.

 2.       Mindset gets you through. What good is knowledge if you do not have the right attitude to face impending dangers? The capacity to hold on is what helps you get through the toughest tempests of life, especially the natural ones.

3.       Action in the midst of danger. Mr. Bengco identifies 5 R’s to remember during a calamity:

Calamities will always come. It affects everyone, regardless if one is rich or poor. In the end, the one who lives on is the one with the will to persist and the decisiveness to act accordingly. Do you have it in you? And can you be the exemplar to your fellow countrymen, in the midst of the rubble that lies before you?

*Art Ladaga is the current Programs Development Officer of the Colayco Foundation for Education.

On Immersions and Working

by: Art Ladaga

A few days ago, I came across an article on the Philippine Daily Inquirer’s website. It was about a high school student’s reflection on his four day experience as a bagger at SM. This was part of the school’s immersion program for its students. At first, the student was highly exuberant about becoming a bagger. He was very eager to learn the ropes of work. As the hours and days passed, however, it became dragging and tiresome.

Despite the difficulties he experienced, the student shared highly valuable insights from his immersion. He first learned the pleasures and toils of working. Another thing was the importance of being relational, especially to those who may not have much in life. Finally, he learned to be grateful for the things he has, especially the simplest ones.

Many online readers definitely appreciated the student’s insights in his article. And yet, there were also those who found his insights shallow and elitist. According to them, four days of immersion are not enough to get a big picture of the real world. Some people even complained that immersion experiences serve to feed the egos of rich kids. If you are to look at the comments section of the website, it’s literally a battlefield with barrages of views.

It has been three years since I entered the labor force. It has not been an easy ride, having to do things in order to earn. As I pondered on the student’s article, I cannot help but appreciate his insights, no matter how simplistic or shallow it may be for some people. Four days may not be enough to give a complete portrait of the real world, but his insights remind adults of an important reality that they take for granted: the reality of ACTIVE AND PASSIVE INCOME!

 

Active and passive incomes are simple enough to understand. Active income is earned when one is working. In his article, the student recalled chatting with his colleagues about their personal lives. Most of them were from the province. They came to Metro Manila to earn a living. Although they were lucky to land a job at SM, they are highly fearful of the future. SM is known to be one of the major contractual employers in the country. After six months of working, most people find themselves out of work again. Thus, they need to find another job elsewhere.

Now, what does that imply? Simple: NO WORK, NO PAY! Even if some people land a high-paying job, there’s no guarantee that they will continue working. There will always be uncontrollable circumstances that can stop any one’s capacity to work (ex. mandatory retirement, job dismissal). When one cannot work, one cannot earn. Most people choose to live on active income without fully understanding the implications when it’s impossible to obtain it anymore. As a result, they cannot sustain their lifestyle and provide a decent living for their families.

 

Passive income, on the other hand, is earned when money is working. It serves as the partner and alternative to active income. When one is still working, it’s imperative that he/she is able to save and earn from his savings as well. This way, his/her savings generate more money. Once somebody cannot work anymore, passive income replaces the role of active income in sustaining one’s lifestyle. In effect, one can still live comfortably even if one is not working anymore. Sadly, most adults only realize the importance of passive income during the latter moments of their lives.

Mr. Francisco Colayco strongly emphasizes both active and passive income, while one is still capable of working. He wittingly calls both Pisobilities– the power of one’s peso to generate income. Although they are different, they are two faces of the same coin. The key to financial independence and wealth is to UTILIZE BOTH! Whether one is a regular employee, a company executive or even an entrepreneur, the obligation to grow wealth remains the same. Not only can one be able to sustain his/her lifestyle, but also be able to share more because one has the means to do so.

 

Indeed, the student in the article still has a lot to learn about the real world. And yet, no one has the right to dismiss his insights about the reality of toiling for money. It is a reality that many adults continuously face and deny. Such an insight is highly valuable, especially for someone so young. What I can only hope is that when he (and others like him) is finally ready to step onto the world of the working adult- either as a company employee or business owner- he will continue to cherish his experience. May it empower him to utilize his Pisobilities not only for himself or his family, but for the downtrodden and abused in society.

Source:

Ongchoco, D. K. (2013). My stint as an SM grocery bagger. Retrieved from Lifestyle Inquirer: http://lifestyle.inquirer.net/131783/my-stint-as-an-sm-grocery-bagger

Magplano at magpalago ngayong Pasko! Join us in our upcoming seminars on November 23! For more details, click on the following links:

INVESTability: Mutual Funds

Pera Mo, Palaguin Mo Workshop

*Art Ladaga is the current Programs Development Officer of Colayco Foundation for Education.


13th Month Tips

It’s a month away until Christmas! Got your Christmas bonus already? Instead of spending it all away, have yourself a Happy and Wealthy Christmas by investing it! Want to know how? Check out these yuletide tips:

Likas ba sa Atin ang Pag-iipon at Pag-nenegosyo?

Hindi ba talaga likas sa ating mga Pilipino ang pag-iipon at pagnenegosyo, lalo na kung ikukumpara sa ibang mga tao gaya ng mga Tsino?  O wala bang epekto ang lahi o lugar sa kakayahan ng isang tao sa negosyo?

Naniniwala ako na kung pag-uusapan ang kakayahang magnegosyo, mas may kinalaman ang kinalakhang kapaligiran ng isang tao  kaysa sa lahi niya.  Totoong may mga bata na pinanganak na may malakas na personalidad, pero ang mga bata naman na mas mahiyain ay naiimpluwensiyahan pa rin ng mga karanasan nila habang bata pa. Sa tingin ko, nagsisimula nang maging mas mahusay magnegosyo ang mga Pilipino.

Napakalaking bagay ng edukasyon. Dahil sa pagpunta sa ibang bansa para mag-aral, nabuksan ang mga mata ng mga kababayan nating naging negosyante na ngayon. Nakita kasi nila kung ano ang mayroon sa ibang bansa at kung ano pa pala ang pwedeng gawing negosyo sa Pilipinas. Mas tumibay ang kanilang tiwala sa sarili at nagkaroon sila ng bagong pananaw sa mga bagay-bagay.

Nakasama sa ating kakayahang magnegosyo ang pagsakop sa atin ng mga Kastila at Amerikano dahil hindi tayo natutong maging mabusisi, mapag-usisa, at handa humarap sa panganib – ilan sa mga mahahalagang katangian ng isang negosyante. Karamihan sa mga Pilipino noon ay masaya nang maging tagasunod at empleyado ng mga mayayamang Kastila at mga kumpanya mula Estados Unidos. Mayroon rin namang mga mas mapag-usisa at matapang sa mga Pilipino noon. Ginamit nila ang mga koneksyon nila para itayo ang sarili nilang mga kumpanya.

Sa maraming kaso, ang mga natutong magnegosyo sa paraan ng mga taga-kanluran ay natuto ring gumastos gaya ng mga taga-kanluran. Halimbawa na rito ang paggamit ng credit cards na nagsimula sa kanluran. Tinuturo ng credit card ang kultura ng “self-gratification” o ang pagbibigay ng kasiyahan sa sarili. Pwede raw nating i-enjoy ang buhay kahit wala pa sa kamay natin ang perang kailangan. Marami tayong “Pay Later Plans”.

Sa kaso ng mga Tsino, sa maraming pagkakataon, hindi sila nagbabago ng paraan ng pamumuhay kahit na lumalaki ang kanilang kita. Ganito pa ang pag-iisip ng mga matandang pinuno(babae man o lalaki) ng mga pamilyang Tsino. Baka iba na ang kaso ng kanilang mga anak at apo na nag-aral sa ilalim ng sistemang kanluran.

Mas mainam pa ang maliliit na halaga na mabilis napapaikot at napapatubo kaysa naman sa malaking pera na hindi mo alam kung kailan dadating. Alam ito ng maraming Tsino dahil nakikita nila ito sa kanilang karanasan.

At syempre, mayroon din tayong mga halimbawa katulad ni Warren Buffet na isa sa mga pinakamayamang tao sa mundo at tiyak na may kakayahang kumita pa ng mga bilyon sa hinaharap dahil sa kanyang husay sa negosyo. Sinasabing hanggang ngayon, nakatira pa rin si Warren Buffet sa kaniyang orihinal na tahanan, nagmamaneho ng ordinaryong kotse, at walang driver o bodyguards. Posibleng hindi tayo sang-ayon sa kaniyang pamamaraan, pero masasabi nating isa siyang espesyal na tao na may prinsipyo. Maganda siyang halimbawa ng kasabihang, “Ang pinakamayamang tao sa mundo ay hindi iyong may pinakamaraming pag-aari, kung hindi, siya iyong may pinakakaunting pangangailangan.”

Pasyalan ang www.colaycofoundation.com para sa karagdagang impormasyon.

Ang Pinakamayaman ba ang Pinakamapagbigay?

ni: Francisco J. Colayco

*unang lumabas sa Bulgar noong Oktubre 20, 2012*

Ang ilan sa mga pinakamayamang tao sa mundo ay ilan din sa pinakamapagbigay. Tinuturing mo ba ang pagsuporta sa charity, pagbibigay donasyon, at pagbabahagi ng biyaya bilang bahagi ng buhay ng mga matagumpay na tao at organisasyon?

Ilan sina Warren Buffet at Bill Gates sa mga kahangahangang mayayamang tao.

Si Warren Buffet, ang pinakasikat na investor sa buong mundo! (mula sa Forbes.com)

Pareho silang nagbibigay ng napakalaking halaga sa charity, kaya nga kahit paano pati mana ng kanilang mga anak ay naaaapektuhan rin. Pinaplano nilang limitahan ang halagang ipapamana sa kanilang mga anak samantalang balak naman nilang ibigay bilang donasyon ang karamihan ng kanilang yaman sa mga charity o kaya’s sa mga pananaliksik na may positibong epekto sa lipunan. Totoong napakalaki ng halagang pwede nilang ipamana sa kanilang mga anak kaya naman hindi mararamdaman ng kanilang mga anak ang nabawas sa kanilang mana kung hindi man nila makuha lahat. Karaniwang pinapamana ng mga napakayaman ang kanilang mga ari-arian sa kanilang mga anak, hindi ba? Pero hindi ganoon sila Warren Buffet at Bill Gates.

Maaaring hindi ko laging pinagtutuunan ng pansin ang espritwal na aspekto

Si Bill Gates, ang kasalukuyang pinakamayamang tao sa buong mundo! (mula sa Forbes.com)

ng pagpapalago ng yaman kapag nagsasalita ako sa publiko, nagbibigay ng seminar, o tuwing nagsusulat ako ng libro at mga artikulo. Kasi naman, naniniwala akong ang 99% ng mga nakikinig sa akin o nagbabasa ng mga isisnulat ko ay hindi lamang nagnanais matuto para sa sarili nilang pakinabang, kung hindi ay para na rin sa kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Naniniwala ako na ang mga taong ganito ang pag-iisip ay mga taong marunong maging mapagbigay. Likas na sa kanila ang magbahagi. Matututo rin balang-araw ang 1%  na hindi pa marunong maging mapagbigay. Matibay ang paniniwala ko sa mga kasabihang: “Kapag mas mapagbigay ka, mas lalo kang makakatanggap” at “Mas mabuting magbigay kaysa tumanggap.”

Pero paano ka makakapagbigay ng tulong kung wala ka namang pwedeng ibahagi? Nagtuturo ako na palaguin, pangalagaan, at gamitin nang tama ang pera para MAKAPAGBAHAGI tayo sa iba. Ito mismo ang inspirasyon ng aking adbokasiya.

Kung isa ka sa mga nakakaunawa ng mga simpleng konsepto ng  pagtitipid at pag-iipon, masuwerte ka dahil magagamit mo ang nalalaman mo. Pero hindi ito ganoon kadali para sa ibang tao kaya kailangan nila ng oras, suporta at payo. Gayunpaman, obligasyon ng bawat isa na palaguin ang yaman dahil sa mismong dahilan na hindi natin maibabahagi ang mga bagay na wala naman sa atin.

Sana tulungan ng mga kumpanya ang kanilang mga empleyado kung mayroong pagkakataon. Kailangan nilang tulungan ang kanilang mga empleyado na maging maalam sa paghawak ng pera at hindi matutong umasa sa mga credit card and credit union loans.

Ang pagtitipid ay ang PAGBABAYAD MUNA SA SARILI. Kapag binayaran mo ang sarili mo, natitipid mo ang pera sa halip na ipamigay iyon sa tindero o taga-gawa ng produkto. Ang IPON ay gastos na ipinambibili sa magandang kinabukasan. “ON SALE” na ito dahil binibigyan ka ng maraming pagkakataon na matutunan kung paano mapalaki at mapalago ang ipon. Huwag hayaang lumampas ang pagkakataon na “BILHIN” ang iyong magandang kinabukasan!

Magpasyal sa www.colaycofoundation.com o tumawag sa 6373731 o 41 para sa karagdagnang kaalaman.

 

Lubog sa Utang Dahil sa Negosyo

ni: Francisco J. Colayco

Unang lumabas sa Bulgar noong Oktubre 13, 2012.

Kung panaghihinaan ka na ng loob dahil nalulugi na ang negosyo mo, kailangan mong suriin nang maingat kung ano ang pinakamainam na estratehiya na susundin mo. Uulitin ko na hindi ka humantong sa sitwasyong iyan sa isang iglap lang kaya naman kailangan ang panahon, pasensya, at determinasyon para maitama ito.

Para sa artikulong ito, ipagpalagay nating personal na negosyo ang pinag-uusapan, o sa ibang salita, isang negosyo na pinaglaanan mo ng sariling pera. Malamang ikaw rin ang nagpapatakbo nito gaya ng maraming may personal na negosyo. Malamang hindi hiwalay ang pagtrato mo sa iyong pera at sa pera ng negosyo mo. Malamang hindi mo rin binabayaran ng suweldo ang sarili mo. Ang mga nabanggit ko siguro ang dahilan kaya naman personal kang nasa peligro dahil lamang sa nasa peligro ang iyong negosyo.

Ang unang pwede mong gawin ay gumawa ng dalawang hiwalay na Statement of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN) – isa para sa iyong negosyo at isa para sa iyong personal na pag-aari at pera. Sa paggawa ng SALN ng negosyo mo, kailangan mong alamin kung magkanong personal na pera ang nilagay mo sa negosyong iyon. Ang perang ito ay dapat maisama sa bahagi ng Liabilities o Net Worth ng SALN ng negosyo mo.

Suriin kung may kinabukasan pa ang negosyo o wala na. Tingnan ang iyong produkto, and tubo, and lokasyon, ang mga kakumpitensya, at personal na dedikasyon sa negosyo mo. Kung mukhang hindi maganda ang kinabukasan ng ilan sa mga nabanggit kong aspekto ng negosyo mo, ikonsidera na ibenta na lamang ang negosyo o kaya’y isara ang negosyo sa lalong madaling panahon. Sa maraming pagkakataon, ang personal na dedikasyon ng nagpapatakbo ng negosyo ang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang negosyo. Baka hindi mo naman talaga alam ang negosyo na pinasok mo, o kaya naman, part-time mo lang ito inaasikaso, at iniiwan mo lang ito sa ibang tao na wala namang malasakit sa negosyo mo. Baka naman hindi ka kumikita kasi masyadong maliit ang tubo mo.

Sa pagsusuri sa SALN ng negosyo mo, tingnan kung alin sa mga pag-aari nito ang pwede mong ibenta. Subukang kunin ang pinakamagandang presyo sa mga iyon, kahit na magbenta ka nang medyo palugi. Siyempre, hindi priyoridad na mabayaran ang utang na “ipinahiram mo” sa iyong sariling negosyo.

Kung hindi sapat ang perang kikitain mula sa pagbebenta ng mga pag-aari ng negosyo, tingnan rin ang iyong personal na SALN at idaan din ito sa parehong proseso.

Kung magpasya ka ulit na magtayo ng negosyo, siguruhin na ihiwalay ang pera ng iyong negosyo at personal mong pera. Mas mainam na magbayad ang negosyo ng regular na suweldo sa lahat ng nagtratrabaho dito. Nakakatulong ito para malaman kung magkano talaga ang kinikita ng negosyo. Kung kukulangin ng pera ang negosyo kung sakaling bayaran ang mga nagtrabaho dito, senyales na ito na hindi maganda ang takbo ng negosyo.

Magpasyal sa www.colaycofoundation.com para sa karagdagang kaalaman.

 

Lubog Sa Utang

ni: Francisco J. Colayco

Unang lumabas sa Bulgar noong Oktubre 11, 2012.

Paano papayuhan ang ang mga lubog sa napakalaking utang (personal man na utang o utang sa negosyo)? Ano ang karaniwang pinakamagandang gawin kung lubog sa utang o mga pinansiyal na obligasyon?

Sa kasamaang palad, napakaraming tao ang lubog sa utang. Napakaraming tao ang sumusulat sa amin para humingi ng tulong. Base sa mga sulat nila, parang iniisip nilang maaayos namin agad ang problema nila. Nakakalimutan nila na hindi sila nalubog sa utang sa isang iglap lang, kaya naman hindi rin mawawala ang problema nila sa isang iglap. Mahirap na proseso ito at kailangan ng tiyaga at determinasyon para makaahon mula sa mga utang at dapat na simulan ito sa lalong madaling panahon.

Ang utang sa credit card ang karaniwang pinakamalaking pabigat, sumunod lang dito ang lubos na pagkalugi sa negosyo. Parehong nakakapanghina ng loob ang dalawang nabanggit na dahilan pero huwag mawalan ng pag-asa dahil hindi kayo nag-iisa sa ganitong problema.

Ang laging unang hakbang ay alamin kung ano ang iyong kalagayang pinansiyal. Kailangang gumawa ng iyong Statemeng of Assets and Liabilities and Net Worth (SALN). Sa mga libro ko, tinawag ko itong SAL pero pareho lang ito sa SALN, na siyang kailangang isumite ng bawat opisyal ng pamahalaan. Naging matunog ang SALN sa publiko noong panahong nililitis ang ating dating Punong Mahistrado.

Maging obhektibo sa pagsusuri ng mga pag-aari mo. Itanong sa sarili kung alin sa mga pag-aari o gamit mo ang hindi mo naman ginagamit o hindi mo naman kailangan. Huwag magpapaapekto sa emosyon. Kapag sinabing “asset” o mga pag-aari, iniisip agad ng ilan ang kanilang unang relo o unang TV at iba pa. Kahit gaano man kaliit, kung may halaga iyon, may kikitain ka pa rin kung ibenta mo.   Gumawa ng plano tungkol sa pagbenta. Siguruhin na determinado kang magbenta. May ilan na ibebenta daw ang mga kanilang mga pag-aari pero biglang magbabago ang isip sa huling sandali. Tandaan na ang mga pag-aari na hindi nagagamit o kaya’y hindi napagkakakitaan ay hindi talaga maituturing na “assets”. Hindi sila makakatulong sa iyong lalo na kung kailangan mo ng cash..

Siguruhing itatabi ang pera. Huwag ito gamitin para igastos sa ibang bagay. Nagbenta ka ng assets para may ipambayad sa mga utang mo, hindi ba? Siguruhin na hindi ka lilihis sa plano.

Tandaan ang G.O.O.D. (Grow Out Of Debt) sa pamamagitan ng DOLP (Dead On Last Payment) ni David Bach. Ibig sabihin nito, gagawin mong priyoridad ang pagbayad sa mga utang mo. Angkop na angkop ito para sa mga taong may maraming credit card. Alamin kung ano ang card na pinakamadali at pinakamabilis na kayang bayaran. Unahin ito.  Sa ganitong paraan, mababawasan ang credit cards na nagpapahirap sa iyo. Dahil sa naging matagumpay ang pagbayad mo sa unang credit card na iyon, manunumbalik ang lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili kaya naman magiging mas ganado kang mabayaran lahat ng iyong natitirang credit card.

Kung galing naman sa naluging negosyo ang mga utang, ibang klaseng paraan ang kailangan.  Pag-usapan natin sa susunod na artikulo.

Magpasyal sa www.colaycofoundation.com para sa karagdagang kaalaman.