Tag Archives: book

ANG PINAKABAGONG LIBRO NG PERA PALAGUIN SERYE pt. 2

Sinabi ni Mr. Generoso Asuncion na nakabasa ng mga unang libro:

“Simula nang mabasa ko ang dalawang aklat na “Pera Mo Palaguin Mo 1 & 2” nagbago ang pananaw ko sa buhay. Maliban sa mga aklat, pinanood ko rin ang mga payo ni G. Colayco sa YouTube at binasa ko ang artikulo sa website. Ang laki ng pagbabagong ginawa niya sa buhay ko. Marunong na akong mag impok ng pera. Ibinabahagi ko rin ang mga kaalamang natutunan ko sa aking mga anak, kaibigan, kapatid, at mga taong nakikilala ko para malaman nila kung ano ang tamang paraan ng pag-iimpok ng pera para makalaya sa kahirapan. Maraming salamat Mr. Topakits. Isa kang LIWANAG sa madilim na kapaligiran ng kahirapan.”

Sinabi ni K. Cayanong, isang Customer Service Representative ng Convergys Philippines noong 2013:

“Naging masaya ako sa mga natutunan ko sa Colayco Foundation. Nalaman ko na mali pala ang paraan ng pag-aayos ko ng aking mga kita, pero nalaman ko din ang pagkakataon na magsimula NGAYON. Magsimulang mag-ipon at mamuhunan. Nalaman ko ang pangangailangan na dapat siguraduhin ang magandang kinabukasan ko at ng pamilya ko.”

Sana ay makatulong ang mga pahayag na ito upang himukin kayong basahin at pag-aralan, kung hindi para sarili nyo, para sa mga miyembro ng inyong pamilya na mayroong malaking pakinabang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting batayan sa pamamahala ng sariling pananalapi.

 

Sinabi ni Mary Grace M. Orbase, isang mag-aaral noong 2011:

“Ako ay 14 taong gulang, estudyante sa high school at malapit ng maging third year high school, nabasa ko ang libro ninyo, Pera Mo Palaguin Mo! 2. Naging malaking inspirasyon ito sa akin. Natuto at naliwanagan ako sa aking murang edad. Natuto ako kung paano hawakan ang aking pera-na dapat ay palaging may maitatabi. Mabuhay at mapasainyo sana ang swerte. Sana ay marami pang katulad kong estudyante sa high school na makabasa at maliwanagan ng inyong libro J”

Sinabi ni Renz Sumera, isang Lisensyadong Chemical Engineer noong 2012:

“Nakatapos ako ng Chemical Engineering sa edad na 21. Naghahanap ako ngayon ng trabaho habang nag-aaral para sa board exam sa Nobyembre. Nabasa ko ang dalawang libro nyo, Money at Wealth at naging inspirasyon ito sa akin para pahalagahan ang pera at matutong mamuhunan. Di ko na mahintay na magsimulang magkaroon ng active income at mag-ipon ng hangang 20% para sa magandang puhunan. Salamat sa pagsulat ng mga librong ito at sana ay marami pang bagong mga nakapagtapos na katulad ko o mga batang propesyonal ang makabasa ng mga ito at maging insperado.”

Sinabi ni Leonardo Alba, isang OFW galing Abu Dhabi:

“Inuulit ulit ko po ang libro ninyo dahil may mga part na di ko po agad makuha. Pero all in all ay maganda po ang nilalaman nito with matching examples. Sa ngayon po ay try kong apply ang iba kong nabasa sa book.”

Sabi ni Cecilia T. noon pang 2012

“Ang mga libro ninyo ay nakapagtuturo at nagbibigay ng simpleng inpormasyon. Importante ito lalo na sa babaeng katulad ko. Itong librong ito ay isang biyaya. I have learned how to take care and grow the finances of my family.”

Mula kay Anthony Pinaglabanan ng Iowa

“Naimpluwensyahan ako ni Mr. Colayco sa aking pinansyal na kaalaman anim na taon na ang nakakaraan, mayroon na akong ipinuhunan ngayon at ito ay gumagalaw na laban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at hindi lang pinapaginipan ang pagtaas ng puhunan ko. Ang susunod kong proyekto ay gumawa ng Passive Income dahil gusto kong magretiro ng maaga para makasama ko ang pamilya ko ng mas matagal.”

Nanggaling kay Razmon ng Zamboanga, 2006

“Salamat sa pagpalago n gaming pero kundi pati na rin sa pagbibigay ng kaalaman. Sulit ang pagpunta ko galing sa probinsya para bumili ng mga libro ninyo. Bumiyahe man ako ng malayo, nagbukas naman ito ng malaking oportunidad at pagsasakatuparan. Talagang lumago. Sa mga librong Pera Palaguin naunawaan ko na ang kahirapan ay dahil din sa kakulangan sa kaalaman kung paano aayusin ang iyong pinansiyal na buhay at hindi lamang sa kakulangan ng mapagkukuhanan ng pera.”

Ibinahagi naman ni Simpe Rogie Magana-Co

“Tinuturuan ninyo ang mga tao para magkaroon ng kaalaman sa pinansiyal nilang buhay sa pag-gamit ng simpleng lenguahe at mga praktikal na halimbawa. Patuloy ninyong binabahagi ang mahalagang kaalaman at personal na karanasan sa paghawak ng pera.”

Kuwento naman ni Sarah Jane Mayola OFW

“Matagal ko na po narinig yung Colayco Foundation nung nasa labas pa ako na nagtatrabaho bilang staff nurse sa isang ospital sa Kingdom of Saudi Arabia. Hindi po ako nagkaroon ng pagkakataon para magsimula at mamuhunan. Siguro dahil hindi pa ako handa o hindi pa ako determinadong baguhin ang buhay ko. Ngayon na nandito na ako sa Pilipinas, naghahanap ulit ako ng trabaho sa ibang bansa. Ngayon ko lang narealize ang kahalagahan ng proper investment and savings. Lahat ng ipon ko naubos na po at ako ay call center agent saMakati. Nakakaipon lang ako ng Php1000 every tuwing sahod pero desidido na akong mag-save. Ngayon hindi ko na gagastahin ang ipon ko.”

Sana ay makatulong ang mga pahayag na ito upang himukin kayong basahin at pag-aralan, kung hindi para sarili nyo, para sa mga miyembro ng inyong pamilya na mayroong malaking pakinabang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting batayan sa pamamahala ng sariling pananalapi. Pasyalan ang www.colaycofinancialeducation.com

.