Tag Archives: estate planning

Pisobilities: Kapiso Mo, T-say Alonzo Episode 2 (Needs and Wants)

by: Francisco J. Colayco

People often complain that they do not have enough money to save because of numerous expenses. Most of the time, however, it all boils down to knowing if what you’re spending for is a need or a want. Is most of your money going to your needs? Or is it going to your wants? And given that fact, what are you doing about it?

Here’s an interesting episode from our mini-series, “Kapiso Mo: T-say Alonzo” regarding Needs vs Wants!

 

Want to give yourself an upgrade on your personal finances? Through One Wealthy Nation (OWN), you CAN! Visit www.onewealthynation.com today.

Upside and Downsides of Credit Cards

It’s Monday again! Credit cards has its ups and downs. What are the bad practices related to credit cards? And how do you properly use them? Check out Ms. Guita Gopalan, Managing Director of the Colayco Foundation, as she answered these questions in the segment, “Wise Spending Wednesday” on Solar Daybreak:

Want to start taking charge of your financial life? Attend our Pisobilities: Wealth Within Your Reach seminar. For the schedules, click here!

Kagandahan ng Mutual Funds sa Pagpapalago ng Pera

ni: Francisco J. Colayco

Unang lumabas sa Bulgar noong ika-18 ng Hunyo, 2011

Tunghayan ang mga tanong ni P:

Gusto ko lang pong magtanong tungkol sa mutual funds. May isang kilalang American advisor na hindi inirerekomenda ang mutual funds sa mga seryosong investor. Pero mukhang alam na alam po ninyo ang ikinaganda ng mutual funds, kaya gusto ko pong itanong sa inyo ang mga sumusunod:

 

1.) Ano ang ikinaganda ng mutual funds kung ikukumpara sa ibang investments?

2.) Ano po ang opinyon ninyo sa American advisor na hindi nagrerekomenda ng mutual funds para sa mga seryosong investor? Sabi niya, para lang daw iyon sa mga investor na walang karanasan at kulang sa kaalaman.

3.) Sinasabing mas ligtas ang mutual funds kumpara sa mga stock investment. Pero ano naman po ang “catch” o kapalit ng pagiging ligtas nito?

 

Ang ating sagot:

Napakaraming pagpipilian na investments. Maganda ang marami sa mga ito. Pero ang mahalaga ay matukoy mo kung ano ang angkop para sa iyo. Hindi sapat ang maikling sagot para matugunan ang iyong tanong tungkol sa kagandahan ng mutual funds kumpara sa ibang investment options.

Ito ang pangunahing reklamo sa mutual funds ng American advisor na iyon: Hindi raw hamak na mas kikita pa ang mga marurunong na investor kung IPUNIN na lang nila ang 1-2% na management fee na kinokolekta ng mutual funds. Sa ekonomiya ng U.S., ang maliit na porsiyentong ito ay maaaring maging katumbas na ng 25-30% ng tubo ng equities market. Tandaan na mas matanda at sopistikado ang merkado sa U.S. Hindi  angkop para sa atin ang kanyang payo dahil karamihan sa ating mga indibidwal na investor ay walang sapat na kakayahan na makamit ang diversification upang bawasan ang panganib ng DIREKTANG pag-i-invest sa stock market.  Kung walang sapat na diversification, napakamapanganib ng pag-i-invest!

Isa pa, kaunting-kaunting investors na nagtatrabaho bilang empleyado o may aktibong propesyon ang may oras upang bantayan nang husto ang merkado. Kauting-kaunti lang ang may kakayahan na makakuha ng napapanahong research tungkol sa ekonomiya, ang capital markets, pati na rin ang long term trends. Napakaimportante sa investing ng tama at napapanahong impormasyon.

Marami na akong nasulat na libro at sinadya kong talakayin lamang ang mga basic na impormasyon tungkol sa investments. Ang aking adbokasiya ay turuan ang mga regular na Pilipinong income-earner kung paano humawak ng pera at magpalago ng yaman sa pinakasimpleng paraan na angkop sa kontekstong Pilipino. Para sa karaniwang income-earner na gustong palaguin ang kanyang maliit na ipon, ang pag-iinvest sa pooled fund  – na gaya ng mutual fund – lang talaga ang tanging paraan.

Ang mga sopistikadong investor ay puwedeng mas maalam pa sila kaysa sa akin o kaya ay may kakayahan silang piliin ang mga mas komplikadong investment. Pero isang bagay ang tiyak: Kailangan ng mga sopistikadong investor na makatanggap ng de-kalidad na research work upang masiguro at mapanatili ang kanilang tagumpay.

Lagi tayong bukas sa mga katanungan at sasagutin ko kayo sa abot ng aking makakaya.

Mutual fund at Unit Investment Trust Fund: MGA PUWEDENG PAGLAGAKAN NG MALIIT NA PUHUNAN

by: Francisco J. Colayco

*Unang lumabas sa Bulgar noong ika-6 ng Agosto, 2009

Sir, puwede ho ba na i-explain n’yo ang differences between uitf at mutual fund? Saka anu-ano bang companies under mutual fund ang maire-recommend n’yo na puwedeng pagpilian na subok na? At paano ang proseso nito gaya nang minimum amount na puwedeng i-place? Paano kami mag-a-apply at paano kikita ‘yung pera namin?

Ang sagot ko:

May dalawang taon nang nakaraan nang ipinaliwanag ko ang Mutual Fund (MF) at Unit Investment Trust Fund (UITF) dito sa Bulgar.  Bumaba, umakyat, bumaba muli, akyat-baba at ngayon tumataas na naman ang halaga nang mga ito.

Ang MF at UITF ay mga kumpanyang nagbebenta ng kanilang mga parte or shares sa mga namumuhunan. Ang perang napagbentahan ng mga ito ay ipinambibili muli ng piling-piling mga seguridad, stocks at iba pang ari-arian ng mga fund manager o tagapamahala ng pondong may sapat na karanasan sa pamumuhunan. Binibigyan ng mga MF at UITF ang mga maliliit na namumuhunan ng pagkakataon na mailagak ang pera nila sa mga negosyong nagbibigay ng mas malaking tubo o ‘di kaya interes. Sa ganitong paraan, napadadali para sa mga kaunti lang ang kapital na mamuhunan sa mga merkadong pinansiyal, sa mas maraming uri ng negosyo imbes na sa iilan lang.

Halimbawa, kung P5,000 lang ang kapital at ikaw mismo ang mamimili sa stock market, malamang ay kakaunting parte o shares lang ng isang kumpanya ang mabibili mo. Pero kung sa MF o UITF ilalagak ang pera, maikakalat ito sa maraming kumpanyang pinamumuhunanan ng MF o UITF. Ito ay naisasagawa dahil ang iyong limang libong piso ay nakaangkas sa malaking pondo na bumubuo ng MF o UITF.

Ang ganitong magandang kombinasyon ng maraming pinamumuhunanan, na tinatawag na diversified portfolio, ay isang epektibong paraan para mabawasan ang panganib ng pagkalugi. Parang inilalagay ang mga itlog sa maraming basket imbes na sa iisa. ‘Yun nga lang, dapat ingatan ang pagpili ng MF o UITF na paglalagakan ng pera. Siguraduhing maayos ang pagpapalakad nito, dahil hindi pa rin garantisadong mababawi ang kapital sa ganitong klaseng pamumuhunan.

Sali na sa aming Investability: Mutual Fund seminars. Para sa schedule ng mga seminars, mag-click lang dito!

Ano ang Inaasam ng Mga Gustong Yumaman?

by: Francisco J. Colayco

unang lumabas sa Bulgar noong Hunyo 1, 2013

TINUTURO natin na palaguin mo ang yaman mo para magkaroon ka ng sapat na pera upang tustusan ang pinili mong pamumuhay kahit hindi ka na nagtatrabaho. Hindi ko sinasabing huwag kang magtrabaho. Sa tingin ko, kailangang magtrabaho ang bawat isa hangga’t maaari basta hindi nakasasama sa sarili. Pero ito ang pangunahing mensahe: Kapag mayaman ka, may kakayahan kang mamili kung magtatrabaho ka o hindi. Tandaan rin ang kasabihan: “Ang pinakamayamang tao ay hindi iyong may pinakamaraming pag-aaari, bagkus, pinakamayaman ang taong pinakakaunti ang pangangailangan.”

 

Magdadala ba ng kalungkutan ang kawalan ng pera? OO ang malinaw na sagot. Kung wala kang sapat na pera para man lang sa mga basikong pangangailangan, malamang mag-aalala ka sa bawat minuto ng iyong buhay. Pero hindi ito nangangahulugang hindi ka maaaring maging masaya kung mahirap ka. Kailangan mo lang itapat ang iyong pamumuhay ayon sa iyong kakayahan. Gaano man kaliit ang iyong yaman, makakahanap ka ng kaligayahan sa pagbabahagi ng iyong oras at talento sa mga taong magpapahalaga sa mga iyon. Sa bandang huli, ang pagbabahagi ang sikreto ng kaligayahan.

 

Magdadala ba ng kaligyahan ang limpak-limpak na pera? HINDI ang malinaw na sagot. Tatalakayin natin ito sa ibang artikulo.

 

Maaari kang mangarap na magkaroon ng maraming pera dahil kapag nangangarap tayo, pinapaniwalaan natin ang gusto nating paniwalaan. Maraming mga taong gustong yumaman ang nangangarap ng mga magagandang bagay na dulot ng maraming pera. Ito ang ilang mga pangarap na walang katotohanan:

 

Magdadala ang pera ng mga kaibigan. Sa katunayan, mas mahirap makahanap ng tunay na kaibigan kapag napakarami mong pera. Minamahal ka ng mga tunay mong kaibigan dahil sa iyong pagkatao at hindi dahil sa benepisyo na makukuha nila mula sa iyong kayamanan. Mahirap kilatisin ang mga taong makakasalamuha mo kung tapat ba ang hangarin nila sa iyo. Maliban na lamang siguro sa mga malapit mong kaibigan na naging kaibigan mo bago ka pa man yumaman, o iyong mga kaibigan mo na kasing yaman mo.  Sa kasamaang palad, ang ilan sa mga yumayaman ay nakakalimot sa kanilang mga tunay na kaibigan. Nagiging mas malapit sila sa mga taong mahilig sumipsip para makakuha ng pakinabang at pabor.

 

Magdadala ang pera ng tunay na pag-ibig. Sa katunayan, mas mahirap para sa isang mayamang tao na alamin kung tunay ang isang pag-ibig. Karaniwang mababaw at walang tiwala sa sarili ang mga taong naghahanap ng mayamang katuwang sa buhay. Ang katangian na dapat makita sa katuwang sa buhay ay katalinuhan, tiwala sa sarili, at masayahing disposisyon na kayang magpagaan ng buhay. Kung nasa iyo ang mga katangiang iyon, at mayaman ka pa, napakahusay na kombinasyn! Pero kung hindi, ano ang gagawin mo?

 

Bigyang edukasyon ang sarili sa lahat ng aspekto ng buhay. Patuloy na palaguin ang iyong ipon para magkaroon ng sapat na pera upang makapagretiro ka habang napapanatili ang pamumuhay na makakapagpasaya sa iyo. Naniniwala akong ang balanseng halaga ng yaman ang pinakamainam. Tiyakin na may mahusay kang personal na pinansiyal na plano na nakalkula mo at napag-isipan nang maigi. Bumisita sa Financial Tools na matatagpuan sa www.franciscocolayco.com.

 

“Nang Magising si Juan” Episode 8 Sneak Peek

Like many Filipinos, Ariel does not think much about his financial future.  In fact, he has no knowledge at all about investments.  Unfortunately, he wanted to impress his childhood Vanessa, who aside from being so attractive had become quite accomplished and knows so much about investments.  Ariel is not able to keep up with their conversation and even falls asleep as Vanessa tried to teach her.  Ariel wants to learn more about investments but still, his pride and pretense continues to hinder him from learning.  He still has to realize how much more he can learn if only he puts his mind into it.  His wish will happen especially since he is being more involved in what I am doing.

 

In Episode 8 on July 6 at 8am of  “Nang Magising si Juan”, we will see Ariel converting his garage into a dancing place for senior citizens.  Unfortunately, one of the senior citizens collapses.  As everyone were discussing the medical treatment she has to got through, she confessed that she did not have any savings or insurance to pay for the medical expenses.

Catch “Nang Magising si Juan” this Sunday, 8:00 am, at GMA News TV!

Nang Magising si Juan would like to thank its sponsors: Bulgar, Bounty Fresh Chicken Chooks-to-Go, Mang Inasal, Landbank of the Philippines, and many more!

Ariel Villasanta at “Medyo Late Night Show w/ Jojo A”

by: Francisco J. Colayco

I was very happy for Ariel when he was featured in the Medyo Late Night Show with Jojo A. last May 26. Aside from talking about his life after living away from the limelight, he talked about his new show with me called Nang Magising si Juan. Check this out!

 

Make sure to catch Nang Magising si Juan every Sunday, 8:00 am, at GMA News TV!

Nang Magising si Juan would like to thank its sponsors: Bulgar, Landbank of the Philippines, Bounty Fresh Chicken Chooks to Go, Mang Inasal, and many more. We would not be able to reach out to more Filipinos if it weren’t for you!

Nang Magising si Juan Episode 7 Sneak Peek

ni: Francisco J. Colayco

Nagtayo si Ariel, kasama ang kanyang mga kaibigang sina Brod Pete at Long Mejia, ng isang networking business sa nakaraang episode noong Linggo. Ang networking ay isang lehitimong “marketing system” para sa isang negosyo. Ngunit masyado nang inabuso ang sistema, na nagdulot sa mga pyramiding at iba pang klase ng scam.

Sinubukang ipakita nina Ariel, Brod, at Long ang kanilang ideya sa akin, ngunit halatang hindi nila ito pinag-isipang maigi. Kahit pinayuhan ko silang huwag ituloy ang kanilang proyekto hanggang sa magkaroon sila ng mas tiyak na plano, itinuloy pa rin nila. Kahit nakakabaliw at nakakatuwa ang kanilang ginawa, natuto naman sila.Sa dulo ng programa, sinabi ko kay Ariel na hindi ako nasiyahan sa kanila dahil hindi nila sinunod ang aking payo. Malakas ang loob kong ang lahat ng aking mga pinayo ay gigising kay Ariel na maging responsable.

Sa ika-29 ng Hunyo, Linggo, 8:00 am, may bago na namang episode ng Nang Magising si Juan sa GMA News TV. Nakita muli ni Ariel si Vanessa, ang matalik niyang kaibigan mula bata, na tingin niyang napakaganda at nais ligawan. Malayo na ang narating ni Vanessa at maalam siya tungkol sa investments. Hindi makasabay si Ariel sa kanilang usapan. Gusto pang matuto ni Ariel tungkol sa investments, ngunit ang kanyang kayabangan at pagpapakita ang tumitigil sa kanya. Kailangan pa rin niyang maunawaang marami pa rin siyang matututunan kung magpupursigi siya.

Manood ng Nang Magising si Juan ngayong Linggo, ika-29 ng Hunyo, sa GMA News TV!

Pinapasalamatan ng Nang Magising si Juan ang mga sponsors nito: Bulgar, Bounty Fresh Chicken Chooks-to-Go, Mang Inasal, Landbank of the Philippines, at marami pang iba!


Pagkakataon Na Nakakasama at Nakakabuti Ang Mangutang

Hindi nga ba kailangang mangutang ng mga mayayaman?

Isa ba ito sa mga dahilan kaya gusto mo yumaman? Totoong may mga mayayaman na hindi nangungutang. Pero sa katunayan, mas malakas mangutang ang karamihan sa mga mayayaman. Gaya ng ipinaliwanag ko sa Ikawalong Utos ng Pera Palaguin, maaaring palaguin ang yaman sa pamamagitan ng “Leverage” na tinatawag rin bilang “magandang uri ng utang.”

Kung lubog ka sa utang at hindi mo kayang magbayad, posibleng dinulot ito ng maling paghawak ng personal na pera. Kung sa tingin mo ay nagsimula ito sa isang gastos na dinulot ng hindi inaasahang pangyayari (o emergency), usisain ang dahilan na iyon. Matatawag ba talaga iyon bilang “hindi inaasahang pangyayari” o “emergency”? Kung pambayad ng tuition ang dahilan (gaya ng nangyayari sa marami), tandaan na ang tuition ay hindi maituturing bilang “hindi inaasahang pangyayari.” Pinag-iipunan mo ito dapat bilang bahagi ng buwanang budget.

 

Kung dulot ito ng health emergency, napaghandaan mo na iyon dapat kahit papaano sa pamamagitan ng isang uri ng medical health insurance.

 

Kung umutang ka dahil nawalan ka ng trabaho, tandaan nakapaghanda ka na dapat ng emergency fund na katumbas ng anim na buwan ng kita.

Kung umutang ka para bumili ng kotse o bahay at sa kalaunan ay natuklasan mo na hindi mo pala iyon kayang bayaran, ibig sabihin ay hindi  mo inalisa nang husto ang iyong pinansiyal na kondisyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.

 

Nagdadala dapat ng pera sa iyong bulsa ang utang. Kung nagbabayad ka sa iyong mga loan, dapat lamang na nagdudulot ang mga loan na iyon ng karagdagang kongkretong pag-aari sa iyong kamay. Kung kakailanganin mong maglabas ng pera para bayaran ang iyong mga utang kahit na wala ka namang  nakukuhang benepisyo bilang kapalit, ibig sabihin lang nito na nababawasan ang iyong ipon o ang iyong kasalukuyang kita para mabayaran ang mga bagay na binili mo. Karaniwang hindi maganda ang ganitong klaseng pangungutang. Kung napakayaman mo talaga, hindi masama na mabawasan ng kaunti ang limpak-limpak mong pera dahil sa maling uri ng pangungutang.  Pero siyempre, hindi ganito ang kaso sa karamihan ng mga Pilipino.

 

Kung gusto mo talagang itigil ang maling uri ng pangungutang, kailangan mong panghawakan nang maigi ang iyong buhay pinansiyal.   Ang unang hakbang ay bigyan ang sarili ng  pinansiyal na edukasyon. Baka isipin ninyong gusto lamang nating ibenta ang mga libro at seminar ko. Pero sa katunayan, napakalaking tulong niyon. Libu-libo o higit pa ang nagpatotoo sa amin na malaki ang pagbabago sa kanilang buhay na idinulot ng tamang desisyon na pag-aralan ang buhay pinansiyal at ng kanilang determinasyon na isagawa ang kanilang mga natutunan

Hindi pa huli ang lahat kung gipit na ngayon sa utang. May mga paraan para makawala. Kailangan mong maglaan ng panahon, pagsisikap at kaunting pera para bigyan ang sarili ng pinansiyal na edukasyon. Hindi sapat na sumulat sa amin para lang humingi ng payo.  Pitong libro na ang naisulat ko para lamang magbigay ng payo. Hindi sa iyo mabibigay ng isang maiksing email ang kumpletong payong kailangan mo.

Maging miyembro ng One Wealthy Nation para makatanggap ng marami pang materyal para lumawak ang iyong pinansiyal na kaalaman! Bisitahin ang www.onewealthynation.com para sa karagdagang detalye.

Kahalagahan ng Pera Sa Mayaman at Mahirap

ni: Francisco J. Colayco

Unang lumabas sa Bulgar noong ika-6 ng Hunyo, 2013

KUNG pag-uusapan ang pera, gaano kasaya ang mga tao?

Mapaliligaya ba sila ng kayamanan at katanyagan? Tiyak na may mga taong tanyag at mayaman na maligaya sa buhay. Pero hindi masasabing tanging ang kayamanan na dala ng katanyagan lamang ang nagdadala sa kanila ng kaligayahan. Sa katunayan, sa maraming pagkakataon, ang yaman ang nagdudulot sa kanila ng sakit sa ulo at sama ng loob. Nagtataka sila kung sikat sila dahil sa kanilang angking kahusayan o baka dahil mayaman lang sila. Nagkakaloob sa kanila ng kapangyarihan ang pera dahil hindi gugustuhin ng mga tao na suwayin ang kanilang kagustuhan. Maaaring galante sila sa pagreregalo dahil hindi sa kanila kaso ang pera. Pero sa huling pagsusuri, ginagalang ba nila ang kanilang mga sarili nang sapat? Kung ginagalang nila nang sapat ang kanilang sarili, saka lang nila puwedeng paniwalaan na ginagalang sila ng tao dahil sa kanilang mga angking kahusayan.

 

 

Pero laging mas mainam na may pera kaysa naman sa wala. Totoo ito pati sa mga taong sikat dahil lalo silang gagalangin kung may pera sila. Dahil tanyag sila, marami ang lalapit upang humingi ng tulong. Tiyak na gugustuhin nilang tumulong at ikadidismaya nila kung hindi sila makakatulong. Ang solusyon ay siguruhing may sapat silang pera para makapagbahagi sa mga nangangailangan at makamtan ang ibang mga layunin na siyang magbibigay sa kanila ng kaligayahan.

 

Mas kaunti ba ang pag-aalala kung marami ng pera?

 

Sa kasamaang palad… Hindi! Sa katunayan, sa aking palagay, nag-aalala ang taong mayaman gaya ng taong walang pera. Posible ngang mas matindi pa ang pag-aalala ng taong mayaman. Inaalala ng mga pangkaraniwang tao ang kanilang pang-araw araw na gastos. Gayunman, mas simple naman ang kanilang mga pangangailangan. Kaya naman mas nalulutas agad ang kanilang mga problema. Halimbawa,  tuwang-tuwa na ang manlilimos kapag may pagkain siya at matuuluyan.Inaalala nila kung saan makukuha ang kanilang mga pangangailangan at maaaring pinanalangin din nila na may maawa sa kanila. Nasisiguro kong walang gustong maging manlilimos. Karaniwang mga biktima ng sindikato o kaya ay may kapansanan sa isip ang nagiging manlilimos. May ilang mga tao na talagang tamad at walang galang sa sarili kaya hindi sa kanila problema na gawing hanapbuhay ang paglilimos.

 

Nagdadala ng obligasyon ang pagkakaroon ng maraming pera. Ayon sa Bibliya, Mateo 13:12, “Kung sino ang meron, ay pagkakalooban pa ng mas marami.” Ito ang nais ipaabot ng talinhaga sa Bibliya. Mas malaki ang inaasahan mula sa mga taong maraming pera. Hindi lahat ng tao ay mayroong maraming pera. Hindi maaaring maging makasarili ang mga taong may maraming pera. Kung hindi, pananagutan nila ang kanilang kasakiman.

 

Para sa mga pinagpalang magkaroon ng maraming pera, ang solusyon para mabawasan ang pag-aalala ay gamitin ang kanilang yaman para sa ikabubuti ng nakararami, lalo na para sa mga may matinding pangangailangan. Mawawala ang pag-iisip sa sarili kung uunahin ang kapwa. Kapag hindi na masyadong pinagtutuunan ng pansin ang sarili, mababawasan ang mga personal na pangangailangan at kagustuhan. Dahil ika nga sa isang kasabihan, sa bandang huli, “Ang pinakamayamang tao ay hindi iyong may pinakamaraming pag-aaari, bagkus, pinakamayaman ang taong pinakakaunti ang pangangailangan.”

 

Maging miyembro ng One Wealthy Nation para makatanggap ng marami pang materyal para lumawak ang iyong pinansiyal na kaalaman! Bisitahin ang www.onewealthynation.com para sa karagdagang detalye.