ni: Art Ladaga
Pebrero na naman. Para sa mga may in a relationship status sa Facebook, panahon ito ng paggunita ng pag-ibig. Tataas na naman ang presyo ng mga chocolates, flowers, at anu-ano pang binibigay kapag Valentines day. Hindi rin nawawala ang mga radio requests ng mga cheesy love songs moderno man o hindi. At bumabalik muli sa uso ang paggamit ng mga gasgas na pick-up lines!
Sa kasamaang palad, hindi ito ang realidad sa karamihan ng mga single. Ibang holiday pa nga ang ipinagdiriwang nila kapag February 14. Ito ang S.A.D. o Single Awareness Day! Marami silang iniisip kung paano gunitain ito: may naglalasing, bumibili ng mga bulaklak para lang ibigay sa sarili, at nagsusuot ng anumang bagay as an expression of singlehood. Noong nag-aaral pa ako, may suot nga akong dalawang pin buttons na nagpapahayag ng pagiging miyembro ko sa Samahan ng mga Atenistang Walang Iniibig (S.A.W.I.) at sa Samahan ng mga Atenistang Palaging Umaasa Lamang (S.A.P.U.L)!
Mahirap ang buhay single. Madalas, gusto mong magwala kapag napapadaan ka sa dalawang magkasintahang nagpi-PDA o Public Display of Affection. Nagseselos ka rin kapag nakikita mong naka-post sa Facebook ang pictures ng iyong kabarkada kasama ang kanyang minamahal. At siyempre, masakit din ang hindi gumastos ng pera dahil wala kang ka-date sa February 14!
Mahirap talagang maging single, pero talaga bang kasuklam-suklam ito? Kung iisipin mong mabuti, may benefits din kapag wala kang minamahal!
Una, hindi mo kailangang gumastos kapag February 14. Wala kang dahilan para magluwas ng pera. Sa totoo lang, puwede namang gunitain ang Valentines Day nang hindi gumagastos. Nakasanayan lang na dapat gumastos ang dalawang magkasintahan para maging “special” ang holiday. Tingnan mo nalang ito kung anu-ano ang ginagastos nila para sa isang date:
Kung single ka, hindi ka na mag-aabala sa mga gastusing iyan!
Mas madali ring mag-ipon. Mas maraming pera sa bulsa mo dahil wala kang pinaggagastusan. Mas marami ka pa ngang options kung paano gamitin ang pera mo. Halimbawa, puwede mong gawin ang emergency fund mo para may pagkukuhanan ka kung sakaling may masamang mangyari sa iyo.
At ang huli, mas madaling lalago ang pera mo. Hindi ka mahihirapang mag-invest dahil wala kang pinagkaka-abalahan. Puwede kang mag-invest sa mutual funds kung nakapag-ipon ka na ng P5,000! Maganda ang naging performance ng mutual funds kahit hindi garantisado ang kita. Umaabot ang kita mula 10%-30% kada taon! Kung nag-iinvest ka ng P1,000 kada buwan sa loob ng 40 taon, puwedeng lumago ang pera mo ng P97,000,000!
Kita mo na? May perks sa pagiging single. Makakamit mo ang yamang nais mo kung alam mo paano palaguin ang pera mo. Sabi nga ni Francisco Colayco, “Huwag magpapahuli,” dahil maganda ang takbo ng ekonomiya ngayon. Sa halip na magmukmok ka sa tabi, sumakay ka na sa tren ng paglago! At mangyayari lang iyan kung alam mo paano palalaguin ang perang hindi mo ginastos!
*Huwag nang magpahuli sa tren ng paglago! Sumali na sa Pisobilities at INVESTability: Mutual Funds seminar sa Pebrero 16, 2013! I-click lang ang mga links para sa karagdagang mga detalye. Tumawag na sa 637-3731, 637-3741, o 09178088857 para mareserba ang inyong slot o para sa mga karagdagang katanungan!
*Si Art Ladaga ang kasalukuyang Programs Officer ng Colayco Foundation for Education, Inc.