Tag Archives: wealth within your reach

ANG PINAKABAGONG LIBRO NG PERA PALAGUIN SERYE pt. 1

Ang bago kong libro karugtong ng mga libro na isinulat ko ay mabibili na sa National Bookstore at iba pang bookstores at pati rin sa www.colaycofinancialeducation.com

Ang pamagat ng bago kong libro ay nagmula sa mga nauna kong libro. Ang unang libro ay “WEALTH WITHIN YOUR REACH. PERA MO, PALAGUIN MO!” Ang pangalawang libro ay “MAKE YOUR MONEY WORK. PERA MO, PALAGUIN MO!”

Ang pamagat nito ay madaling maintindihan: “WEALTH REACHED.  MONEY WORKED.  PERA MO, PINALAGO MO!” Inalam ng libro ang buhay ng mga tauhan sa unang dalawang libro at ipinaliwanag kung ano ang ginawa nila sa loob ng labing-isang taon matapos nilang basahin ang libro at pinakinggan ang mga payo ko. Mapapaniwala ka na kung nakinig ka noon, sana’y maganda na ang pinansyal na buhay mo ngayon.

Sana ay isa ka sa mga talagang nakinig. Kung hindi naman, hindi pa huli ang lahat. Kunin ang libro, basahin at pag-aralan at maniwala sa sarili na may magagawa ka. Marami nang tao ang nagtagumpay mula sa maliit nakinakailangang ipon.Ang kailangan mo ay Disiplina at Determinasyon.Kaya mo yan. Huwag ka nang maghintay muli ng sampung taon bagoka magsisi ulit dahil wala ka na namang ginawa. Gawin mo na NGAYON!

Ibabahagi ko sa iyo ngayon ang mga pahayag ng mga tao tungkol sa libro.

Sinabi niMr. Hans B. Sicat, Presidente at CEO ng Philippine Stock Exchange:

“Ibinahagi ni G. Colayco ang pananaw ng Philippine Stock Exchange sa pagsulong ng kultura sa pag-iipon at pamumuhunan dito sa ating bansa. Sa pagsisimula at paghihikayat sa mga empleyado para mag-ipon at mamuhunan, nakakapagbigay tayo ng payo sa tamang paghawak ng pera sa ating mga kasamahan na sana ay maituro din nila sa kanilang mga kaibigan at kakilala.”

Ayon naman kay G. Ignacio B. Gimenez, Tagapangulo at Presidente ng PhilEquity Fund, Inc.:

Ang “Wealth Reached, Money Worked. Pera Mo, Pinalago Mo” ay nakahihikayat at nagtuturo.Sa mahigit na sampung taon sa ganitong adbokasiya, ang mensahe ni Topax tungkol sa pananalapi ay lalo pang pinagyaman ng mga tunay na karanasan ng mga totoong tao na ginabayan niya at ng buong Colayco Financial Education. Hindi naman talaga kailangan ng napakalaking pera at pagsisikap para maging maayos ang buhay pananalapi. Ang susi sa pagyaman – oras, pasensya at tamang pagdedesisyon. Higit kailanman ang mga Pilipino ay kailangan maging marunong sa paghawak ng kanilang pera hindi lamang sa pagbili o pag-gastos ng perang pinaghirapan nila peropati na rin kung papaano ito palalaguin. Madaling basahin at indintihin, ito ang libro na makakatulong sa mga Pilipino siyasatinang posibilidad na bukas, magagamit at abot-kaya ng mga ordinaryong Pilipinong kumikita.”