Gaano Dapat Kalaki Ang Ating Ipon? At Bakit?

Ito ang ilan sa mga tanong na laging ko naririnig at sasagutin ko ito sa pinakasimpleng paraan.

Una sa lahat, kailangang gumawa ng personal financial plan upang malaman kung gaano kalaki ang kailangang ipunin. Kailangang linawin kung ano ang halaga (o amount) na nais makamit sa mga espesipikong panahon sa hinaharap (o specific times in the future), at kung saan gagamitin (o purpose). Maaaring matutunan kung paano ito gawin sa tulong ng aking mga libro at ng aming website: www.colaycofoundation.com .

Kadalasan, kailangan mo ng medium-term at long-term na financial goals. Halimbawa, kailangan mong makaipon ng tiyak na halaga para sa mga gastusing karaniwang mahalaga sa tao. Kailangan mo ring magplano ng isang timetable kung saan nakasaad kung gaano katagal maiipon ang hinahangad na halaga. Para sa mga karaniwang income-earner, ito ang karaniwang taon na kailangan upang maipundar ang:

1.) Ang iyong personal emergency fund (ang kita sa loob ng anim buwan): 5 taon na pag-iipon.

2.) Edukasyon ng mga anak: 10-15 taon na pag-iipon

3.) Downpayment para sa sariling bahay: 10-20 taon na pag-iipon

4.) Retirement Fund: 30-40 taon na pag-iipon

Kapag may tiyak na financial goals at nakaplanong panahon ng pagpupundar (o investment time-horizon), malalaman kung ano 1.) ang kinakailangan taunang paglago ng ipon, 2.) at ang halaga ng pera na kailangang ipunin at ipuhunan nang walang palya.

Sa oras ng sakuna, maaring maubos ang ipon at kakailanganing magsimula muli. Ngunit ayon sa aking pakikipanayam sa mga tao, mukhang mas madaling makabangon mula sa sakuna iyong mga taong matagal nang sanay sa pag-iipon. Bukod pa riyan, nagising sila sa katotohanan na maari pala silang mabuhay nang kontento kahit wala na ang mga dating luho at pinagkakagastusan. Dahil dito, mas madali sa kanilang magtipid, mag-ipon, at makabangon –  nangmas mabilis – kaysa sa iyong mga hindi pa natutong magtipid. Hindi ito madaling matutunan ngunit kayang-kaya ito!

Leave a Reply

Your email address will not be published.