Si EN, isang OFW, ay interesadong malaman kung mas maganda bang investment ang condotel kaysa sa mutual funds. Ipinaliwanag ko na isang long-term investment ang condotel at hindi ito kasing daling ibenta at gawing cash muli gaya ng mutual fund. Sa ibang salita, hindi kasing “liquid” ang condotel. Pero, ang aming KskCoop condotel project ay may espesyal na katangian na nagbibigay solusyon sa usapin ng liquidity.
Isang condominium-type na gusali ang proyektong ito at pwede itong magsibi bilang residensyal na unit, o unit na nakalaan sa operasyon ng hotel. Isa itong solusyon para mapakinabangan ang potensyal ng isang lupa na malapit sa Makati business district. Layunin naming lumikha ng isang negosyo na makakatulong sa mga investor at sa lokal na komunidad, upang makatulong sa pag-ahon ng lungsod at sa pag-angat ng kita ng lahat ng taong kasapi sa proyekto.
Nasa sulok ng Evangelista St. at Del Pilar sa Bangkal, Makati ang proyekto namin. Nasa hilaga ng EDSA ang Bangkal at madaling maabot mula sa EDSA. Malapit ito sa hangganan ng Makati at Pasay. Napakaganda ng lokasyon para sa mga lokal na negosyante, mga propesyunal, dayuhan at lokal na manlalakbay na nangangailangan ng abot-kayang hotel.
Ayon sa disenyo ng proyekto, may mga bahaging may apat na palapag, ang ilang bahagi naman ay may walong palapag. Mayroong 68 na residential unit na dinisenyo sa paraang magagamit din bilang apartment o budget hotel. Espesyal na katangian ito na hindi laging makikita sa ibang condotel. Walang sariling karanasan ang KskCoop sa pagpapatakbo ng hotel. Kaya naman kukunin namin ang ng isang magaling na condotel management company para patakbuhin ang condotel. Pupunuan ang pangangailangan sa tao at serbisyo sa pamamagitan ng mga miyembro ng KsKCoop, lokal na establisimiyento, at sa pakikipagtulungan sa lokal na barangay.
Nagbibigay ang proyektong ito ng pangmatagalang investment sa mas abot-kayang halaga, tuluy-tuloy na kita, garantisadong rate of return, at depensa laban sa panganib. Hindi kailangan ng mga member-investors ng KsKCoop na bumili ng isang buong condominium unit; kailangan lang nilang bumili ng shares ng buong proyekto. Dahil dito, hindi kailangan ng napakalaking halaga para makasali. Makakatanggap ang mga member-investors ng minimum na garantisadong kita na hindi bababa sa 4% kada taon sa loob ng sampung taon simula sa ikatlong taon ng investment. Posibleng tumaas pa kaysa sa 4% depende sa kita ng proyekto. Napakagandang pagkakataon ito sa mga member-investors para mabalanse ang kanilang portfolio at ikalat ang kanilang panganib.
Pwede lamang sumali sa proyekto matapos dumalo sa isang maiksing seminar kung saan ipapaliwanag lahat ng detalye. Isa itong magandang pagkakataon para sa mga lokal na negosyo upang umunlad para sa ikabubuti ng komunidad at para malapago ang halaga ng pag-aari. Ang tagumpay ng proyektong ito ay magbibigay-daan sa mas marami pang investment sa hinaharap.
Bumisita sa www.kskcoop.com o sumulat sa info@colaycofoundation.com para sa karagdagag impormasyon tungkol sa espesyal na oportunidad na ito.