ni: Francisco J. Colayco
Noong Linggo, pinalabas na namin an gaming pinakabagong programa sa telebisyon, ang Nang Magising si Juan. Nakatanggap kami ng napakaraming positibong puna tungkol sa programa, mula sa mga tagasunod namin sa Facebook. Masayang-masaya akong naintindihan ng mga manonood kung tungkol sa ano ang programa: isang tawag na gumigising para umaksyon.
Sa unang episode, nakita niyo ang kalagayan ni Ariel pagkatapos ng kanyang kasikatan. Lubog siya sa utang, ngunit itinatanggi niya ang kanyang kalagayan. Ipinapakita niya ang sarili bilang magarbo ngunit nagiging “wais.” Isa siyang “script-writer” para sa aking programang, “Feeling Close with FJC.” Sa isa sa mga usapan namin, sinabi ko sa kanyang itanong niya itong simpleng tanong kapag gigising siya tuwing umaga: “Magkano ka ngayon?” Mula rito, nagsimula ang kanyang pakikipagsapalran patungo sa pinansiyal na kaalaman at kalayaan.
Ang episode noong Linggo ay simula pa lamang. Marami pang ipapakita sa mga sumusunod na episode, kung saan susubukang gawin ni Ariel ang lahat ng mga aral at payong matatanggap niya mula sa akin at sa iba pang miyembro ng Colayco Foundation team (nang may nakakatuwang kinahihinatnan, siyempre).
Ipapalabas ang ikalawang episode ng Nang Magising si Juan bukas, ika-25 ng Mayo. Panoorin niyo ito para tingnan kung ano ang iyong dapat abangan:
Manood ng Nang Magising si Juan tuwing Linggo, 8:00 am, sa GMA News TV!